MANILA, Philippines - Si Sarah Geronimo lang ang nagta-Tagalog sa apat na coach ng The Voice of the Philippines. Syempre slang at inglesero ang mga kasama niyang sina – Apl.de.Ap, Lea Salonga and Bamboo.
Kaya naman dinadaan na lang ni Sarah sa tawa at biro. Pero aminado siyang intimidated talaga siya sa mga bigatin niyang kasama sa talent show na mag-uumpisa na sa Hunyo.
“Hindi n’yo po alam kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko. Dinadaan ko lang sa pa-Ingles-Ingles na barok,†natatawa niyang sabi kahapon sa presscon nilang apat. Biro pa niya nagno-nose bleed siya sa tatlong kasama. “Magta-Tagalog po ako rito.
Si Apl.de.Ap at si Lea, talagang hindi na masyadong ini-expect na magta-Tagalog, pero slang din pala si Bamboo na ang sabi’y lumaki sa Amerika.
Going back to Sarah, nakaka-relate si Sarah sa The Voice dahil aminado naman siyang dumaan siya sa maraming auditions bago siya nagkaroon ng pagkakataon na manalo sa isang contest.
Nabanggit din niyang willing siyang sundan pa ang pelikulang It Takes A Man And A Woman, ang movie nila ni John Lloyd Cruz na balitang nakaka-300 million na. “Gusto ko pong ulitin ang sinabi ni John Lloyd na kung makakapag-come up kami ng better script doon, why not? Kasi maganda po namin siyang natapos. Ang ganda po ng istorya ni Laida at Miggy, sinuportahan sila. Basta naniniwala ako na magagawa namin kung may maganda pang material,†paliwanag ng Pop Princess.
Anyway, magsisimula ang kumpetisyon sa The Voice of The Philippines sa isa-isang pag-awit ng mga lalahok sa blind auditions kung saan pipili ang coaches kung sino sa mga sasalang ang nais nilang mapabilang sa kanilang team para i-mentor.
Sa oras na sila ay makapagpasya ay pipindutin nila ang kanilang button na siyang uudyok sa kanilang swiveling coaches’ chair para umikot paharap sa entablado at para na rin masilayan na nila ang mukha sa likod ng ginintuang boses na kanilang napili. Kapag mahigit dalawang coach ang pumili sa isang artist, kinakailangan nilang magdebate at kumbinsihin ang artist na sila ang piliing coach nito.
Matapos mapili ang mga miyembro ng kani-kanilang koponan ay magsisimula na ang mga coach sa pag-mentor at pagsasanay sa kanilang mga artist at pagbabanggain ang dalawa sa mga ito sa ikawalang round na tinatawag na “battle rounds.†Dito ay magpapatalbugan ang mga artist sa battle stage at ibibigay ang lahat para mapabilib ang kanilang coach na siyang gagawa ng malaking desisyon kung sino sa kanila ang papauwiin at sino sa kanila ang uusad sa susunod na round ng kumpetisyon— ang live performance shows.
Sa round na ito papasok ang kapangyarihan ng sambayanan dahil maari na nilang iboto ang kanilang mga paboritong artist at salbahin ito mula sa eliminasyon. Sa grand finals, bawat coach ay may isang manok na lang na ilalaban sa kantahan sa pambato ng kalabang coaches at isa lamang sa apat na grand finalists ang kikilalaning The Voice of the Philippines.
Sasamahan ng The Voice Philippines ang 40 iba pang bansa na gumawa na rin ng sarili nilang bersiyon ng The Voice sa telebisyon kabilang na ang popular na US version na pinangungunahan ng host na si Carson Daly at kinabibilaÂngan nina Christina Aguilera, Adam Levine, Cee Lo Green, at Blake Shelton bilang coaches.
Sino ang mapapabilang sa Team Sarah, Team Bamboo, Team Lea, at Team Apl?
Ay may tinanong nga pala kami kung sino sa apat ang may pinakamahal na talent fee?
Walang kakurap-kurap na sagot niya, siyempre si Apl.de.Ap bilang siya ang may international status sa kasalukuyan. Meron din naman siyempre si Lea, pero base sa sagot nang tinanong namin, ang dating member ng Black Eyed Peas na nagpasikat ng maraming kanta ang may pinakamalaking bayad sa kanilang apat.
At inamin nga pala ng hiphop sensation na nanligaw siya kay KC Concepcion. Pero tumigil daw siya nang malamang karelasyon nito si Piolo Pascual.
“I was serious at the moment, you know. But unfortunately, time didn’t connect well and I got too busy. But, you know, we are still friends.â€
Balita pa noong binigyan niya ng necklace ang anak ni Megastar Sharon Cuneta.
Ogie napigil sa paglayas sa Kapuso
Tameme pa rin si Ogie Alcasid sa isyung lilipat na siya sa TV5 pagkatapos ng kontrata niya sa GMA 7 sa Hunyo. “I still don’t know. I have no idea, “ nagbibirong sagot niya kahapon sa launching ng Bonakid Pre-School Ready Set Laban, an action-packed kiddie game show that will test the strength, energy and determination of kids kung saan na siya ang host.
Matagal nang issue ang paglipat ni Ogie lalo na nga’t nagsalita si Regine na ayaw niyang makialam sa desisyon ng kanyang asawa.
Malaking-malaki raw kasi ang offer na TF ng TV5 pero may nagsabi na may maganda ring counter offer ng GMA tulad nang kay Lovi Poe kaya malamang maudlot ang pag-aalsa balutan nila. Iisa ang manager ng dalawa, si Leo Dominguez.
Anyway, Bonakid Pre-School Ready Set Laban is comprised of various challenges set in an exciting custom-built obstacle course. Each episode features 2 teams consisting of mom and kid tandems that will compete in a qualifying game which will be randomly selected. The team that wins the qualifying game will get to advance to the main challenge which is the Triple Boost Maze --- a growth, energy and immunity challenge rolled in one thrilling game!
“It is my first time to host a game show for kids and it is fascinating to watch them go through the challenges we have in store for them with much confidence & determinationâ€, sabi ng singer-actor. “It’s also heartwarming to see the moms supporting and encouraging their kids all throughout the challenge.â€
Bonakid Pre-School is a powdered milk drink specially formulated to help support the nutritional needs of children 4 years and older. Bonakid Pre-School’s formulation has been enhanced to help provide children with a triple boost advantage in growth, energy and immunity.
Mapapanood ito every Saturday morning (before Eat Bulaga) starting April 20.
Angelica official ‘spokesperson’ ni John Lloyd!
Kumpirmado, si Angelica Panganiban na nga ang spokesperson ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz.
Kasi sa Instagram account na naman niya nagpasalamat si JLC kahapon para sa pagiging box office king ng aktor sa 44th Box Office Entertainment Awards ng GuilÂlermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. para sa pelikula nila ni Bea Alonzo na The Mistress. “Thank You love. Nilukot mo mukha ko tapos nabasa mga mata ko. I don’t deserve it. Salamat… Sayo, sa Diyos, sa pamilya ko. Salamat for you’ve always believed in me. Sa lahat ng mga nanood, kay Bea, kay Ati Van (our writer), kay Junjun (our dop) kay tita Malou at sa buong Star Cinema at sa nag-iisang Olivia Lamasan.—Ang mensahe pa ng Box Office King.â€
Sa IG account din ni Angelica nagpasalamat si John Lloyd nang malamang pinipilahan ang pelikula nilang It Takes A Man And A Woman ni Sarah Geronimo.
Kaya lang ang panget as in, nang litratong ginamit ni AngeÂlica para sa nasabing pasasaÂlamat ni John Lloyd.
Wala bang sariling paraan si John Lloyd para magpasalamat sa mga fans niya at si Angelica pa ang ginagamit niya?