Lorna isasakripisyo ang buhok para sa indie film

Nag-meet noong Huwebes sina Lorna Tolentino at Mrs. Editha Burgos, ang nanay ng missing activist na si Jonas Burgos.

Request ni LT na makilala niya nang personal si Mrs. Burgos bago magsimula ang shooting ng Editha Burgos. Gusto ni LT na mapag-aralan ang kilos at pananalita ng nanay ni Jonas para maging credible ang kanyang pagganap sa pelikula na pamamahalaan ni Joel Lamangan.

Ready na si LT na magpagupit dahil maigsi ang buhok ng tunay na Mrs. Burgos. Patatandain din ang itsura ni LT bilang senior citizen na ang babae na bibigyang buhay niya sa pelikula.

Si Rocco Nacino ang gaganap na Jonas Burgos na hindi pa rin natatagpuan hanggang ngayon mula nang dukutin siya noong 2007.

Lam-ang malabo nang matuloy, imvestor ayaw ng maglabas ng pera

Hindi nawawalan ng ginagawa si Rocco dahil kasama na ito sa cast ng Unforgettable at starring siya sa another movie. Kung may dapat panghina­yangan si Rocco, ito ay ang Lam-ang, ang pelikula na pinagbibidahan niya na nahinto ang shooting dahil may problema sa budget.

Tumanggi na ang isang investor na dagdagan ang kanyang sosyo. Enough na raw ang P5 million na ibinigay niya para masimulan ang Lam-ang. Masyadong ambitious ang project kaya kinulang ang limang milyong piso na big budget na para sa isang indie movie.

Ryzza binulabog ang MMDA

Binulabog ni Ryzza Mae Dizon ang opisina ni MMDA Chair Francis Tolentino at mapapanood ito ngayong umaga sa The Ryzza Mae Show.

Inusisa ni Ryzza kay Chairman Tolentino ang mga monitor at aparato na nakita niya sa loob ng malawak na opisina  ng MMDA office. Tinuruan din niya ng kanyang signature chacha dance ang mga traffic enforcer ng MMDA.

Brilliant idea na papuntahin si Ryzza sa iba’t ibang lugar at mag-interbyu ng mga ordinaryong tao. Maganda na hindi puro mga artista ang mga bisita niya sa kanyang talk show.

Enzo challenging ang role sa Kakambal...

Ako ang nag-suggest sa nanay ni Enzo Pineda na mamigay ng chocolates sa presscon ng Kakambal ni Eliana bilang token of appreciation ng kanyang anak sa mga tulong ng entertainment press.

Ang ending, ako pala ang hindi invited sa presscon ng Kakambal ni Eliana pero hindi ako bitter ‘no! Inisip ko na lang na alam ng mga nag-imbita na hindi ako dumadalo sa mga presscon na gabi kung idaos.

Anyway, challenging ang role ni Enzo sa Kakambal ni Eliana. Siya ang fashion photographer na magiging kaagaw ni Kristoffer Martin sa puso ni Kim Rodriguez.


                                        

 

Show comments