Mga anak ni Flor Contemplacion Nagkawindang-windang ang buhay dahil sa maraming perang natanggap!

MANILA, Philippines - Taong 1995 nang hatulan at bitayin ang OFW na si Flor Contemplacion sa Singapore—balita na gumimbal sa mga Pilipino noong mga panahong iyon. Inisip ng pamilya ni Flor na sa pagkamatay ng ina ay mamamatay na rin ang interes ng mga tao sa kanila. Ngunit ang hindi nila alam ay simula pa lamang ito ng kanilang kalbaryo.

Dahil sa pagiging sensational ng nangyari sa kanilang ina, at dahil na rin sa mga pelikulang ginawa na laging sumasariwa sa isipan ng mga tao kung sino si Flor Contemplacion, ilang mga opisyal ng gobyerno ang nag-alok at nagbigay ng tulong sa naiwang pamilya ni Flor. Ngunit agad ding natuklasan ng mga anak ni Flor na ang mga pangako at tulong ay may hangganan din.

Hindi sinayang ni Russel ang pagkakataong ikinaloob sa kanila ng gobyerno. Hindi man nagtagal ang suporta sa kanilang pag-aaral, pinanindigan ni Russel na matupad ang pangarap ng ina, ang dahilan ng kaniyang pangingibang-bansa: ang makapagtapos ng pag-aaral, at makagawa ng paraan para ma­angat ang sarili sa kahirapan.

Pero may mga pagkakamali nang nagawa si Russel, mga pagkakamali na kaniyang muling haharapin ng wala ang minamahal na ina—at may halo nang tukso ng perang iginawad sa kanila ng mga taong nagmamalasakit. 

Habang isa-isang nasasadlak ang pamilya ni Russel sa droga, at sa panga­ko nitong malaking kita, ipagpapatuloy ni Russel ang kaniyang pagpupursige para sa sarili, para sa mga anak, at para sa mga kapatid na naligaw na ng landas. 

Ngunit paano haharapin ni Russel ang mga bagong pagsubok ng buhay na ito kung ang lalaking minahal, ang inaasahang maging sandigan, ay masilaw na rin ng madaliang pera?

Magagawa pa bang itama ni Russel ang mga pagkakamaling ginawa ng mga kaanak? 

Maibabalik ba ni Russel ang dangal sa pangalan ng ina na isinakripisyo ang buhay para sa magandang buhay na hindi naman nakamit ng mga anak? 

Life after the Death of Flor Contemplacion features Alessandra de Rossi as Russel Contemplacion, with Chariz Solomon researched by Karen Lustica, written by Vienuel Ello, and directed by Gil Tejada.

Show comments