^

PSN Showbiz

Sino ang tatanghaling Reyna ng Aliwan 2013?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang higit na mag-iinit ang labanan sa taunang selebrasyon ng Aliwan Fiesta, sa paglahok ng naggagandahang dilag sa timpalak ng Reyna ng Aliwan, na gaganapin sa maningning na mga pagtatanghal mula ika-11 hanggang 13 ng Abril.

Inilahad na ng Manila Broadcasting Company ang listahan ng mga kalahok sa taong ito, na suportado muli ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at mga lungsod ng Maynila at Pasay..

Mula sa National Capital Region si Hazel Joy Ortiz ng Dalaksagaw festival sa ka-Maynilaan at si Rose Ann Turla para sa lungsod ng Pasay.  Ang Cordillera naman ay kakatawanin ni Chasty Tercias ng Baguio City na tatayop bilang use ng Panagbenga festival.  Si Kashmir Marjorie Hernaez naman ang ilalaban ng Pamulinawen Festival ng Laoag, habang si Darlene May Reyes ang kakatawan sa  Ala-Eh Festival ng Batangas.  

Mula Kabisayaan naman si Jamie Herrell ng Sinulog sa Cebu, kasama sina Nerissa Modesto ng Tanauan, at si Regine Ruth Roa para sa Pasaka Festival at Regine Ruth Rona para sa Alang-Alang, Leyte.  Naroon din sina Emily Victoria Oke ng Iloilo Dinagyang, Caren Braun para sa Paraw Regatta Festival, at Johanna Carla Luzuriaga Saad para sa Kabankalan Sinulog.  Ang lalawigan ng Negros Oriental ay lima ang ilalaban sa pagka-reyna:  Shella May Kumarasammy ng Mabinay; Laarni Acosta ng Inagta Festival ng Siato; Kimberly Covert­ para sa Harvest Festival ng Valencia; Halimatu Yushawu ng Bacong; at  Fe Mavelle Tano para sa Sandutot Festival ng Dumageute. 

Dalawa naman ang darating pa mula sa Mindanao --  Janette Roanne Sturm para sa Kalilangan Festival ng General Santos at si Brenalyn Cuevas ng Maguindanao.     

Lalalahok ang mga dilag sa festival costume competition na gaganapin sa front lawn ng Cultural Center of the Philippines o CCP ngayong araw.  Susundan ito ng pageant night sa ika-12 ng Abril.  At siyempre, malalaman natin kung sino ang magwawagi  sa pagtatanghal ng awarding ceremonies sa ika-13 ng abril. 

Ang magwawagi bilang Festival Queen ng Aliwan Fiesta 2013 ay mag-uuwi ng isandaang libong piso (P100,000) at tropeo, bukod sa pagiging ambassadress of goodwill ng tu­rismo.

 

ABRIL

ALA-EH FESTIVAL

ALIWAN FIESTA

ANG CORDILLERA

BAGUIO CITY

BRENALYN CUEVAS

FESTIVAL

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with