^

PSN Showbiz

Mga Pinoy na addict sa Koreanovela imbyerna sa North Korean leader na kamag-anak ni Michael V. ang hitsura

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Parang separated at birth sina Michael V. at Kim Jong-Un, ang North Korean leader na kinatatakutan dahil sa kanyang missile strike threats sa South Korea at Amerika.

May anggulo na magkamukha ang dalawa, mas bata at medyo healthy nga lang si Kim Jong-Un. Puwedeng mapagkamalan na magkamag-anak sina Michael at Kim Jong-Un na kinaiimbyernahan ng mga Pinoy na addict sa panonood ng mga Koreanovela.

Isa lang ang concern ng mga Koreanovela addicts, ano ang mangyayari sa mga Koreanovela na kanilang sinusubaybayan kapag natuloy ang  pag-atake ni Kim Jong-Un sa South Korea? Paano pa raw makakapag-taping ang kanilang mga favorite Koreanovela stars?

O di ba,  napakalalim ng pinaghuhugutan ng galit ng mga Koreanovela addicts laban sa North Korean leader?

The Bride and The Lover, ginastusan ng Regal

Hinihintay ng mga reporter ang presscon ng The Bride and the Lover dahil ito lamang ang chance na makakausap nila si Lovi Poe.

Gustung-gustong malaman ng press people kung matutuloy ang paglipat ni Lovi sa TV5 dahil hindi na nga siya napapanood sa mga show ng GMA 7. Sa May 1 ang playdate ng The Bride and the Lover at siguro naman, may linaw na kung mananatili si Lovi sa GMA 7 o mag-oober da bakod na siya sa Kapatid Network.

Ang Regal Entertainment Inc. ang producer ng The Bride and the Lover. Starring sa madrama at happy movie ng Regal sina Lovi, Paulo Avelino, at Jennylyn Mercado na pare-parehong excited dahil pinaganda raw nang todo ng direktor na si Joel Lamangan ang kanilang pelikula.

Ang sabi naman ni Jun Lalin, ang The Bride and the Lover ang biggest Filipino movie this summer dahil ginastusan ito ni Mother Lily Monteverde, ilang buwan ang shooting, malalaki ang mga eksena at bongga ang mga location.

Tiyak na pag-uusapan daw ang very gay fight scene nina Lovi at Jennylyn na nag-away sa pelikula dahil kay Paulo. Sa eksenang ‘yon na kinunan ng halos four hours, parehong nagkapasa-pasa sina Lovi at Jennylyn dahil gusto ni Direk Joel na maging makatotohanan  ang eksena.

Mga professional actress sina Lovi at Jennylyn kaya  hindi nagkaroon ng intriga. Walang nagreklamo at nagsabi na sinadya o tinotoo ang fight scene dahil mismong si Papa Joel ang nag-utos na  â€œtotohanin” nila ang pag-aaway. May threat si Papa Joel na  hindi titigil hangga’t hindi makatotohanan ang away nina Lovi at Jennylyn.

Kasama sa The Bride and the Lover  sina Hayden Kho, Jr. , Joem Bascom, Carmi Martin, Ariel Ureta, Boboy Garovillo, Timmy Cruz, Alex Castro, Ahron Villena, Carlo Gonzales, Cai Cortez, at ang original Regal baby na si Snooky Serna.

Introducing sa The Bride and the Lover ang girlfriend ni Christian Bautista na si Carla Dunareanu.

 

DAHIL

JENNYLYN

KIM JONG-UN

KOREANOVELA

LOVI

NORTH KOREAN

PAPA JOEL

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with