MANILA, Philippines - Pasok na sa semi-finals ang flairtender na si Chaeremon Basa at transgender trio na The Miss Tres sa mas umiinit pang kumpetisyon sa pinakamalaki at pinakaengrandeng talent-reality show sa bansa na Pilipinas Got Talent (PGT) 4.
Matapos ang unang quarterfinal results night ay nakuha nga ng 16 anyos na si Chaeremon mula Bacolod ang pinakamaraming porsiyento ng nationwide votes na 28.09% kaya naman agad nitong nasungkit ang una sa 12 semi-finalist slots.
Nakuha naman ng singing transgenders mula sa Bulacan ang boto ng mga judge matapos sumailalim sa battle for survival round kalaban ang The Security and Escort Battalion Combo ng Philippine Army. Tunay ngang pinakalamalaking edisyon ng PGT ang PGT 4 dahil sa naiibang acts na pumasok sa semi-finals, isinagawang online at worldwide auditions, at sa pagkakaroon ng quarterfinals para mas lalo pag-ibayuhin ang pagsala sa mga kalahok. Gumawa rin ito ng ingay kamakailan sa online world nang mag-trend worldwide ang The Miss Tres at All in One Crew sa micro-blogging site na Twitter.
Ngayong Sabado (April 13), maglalaban-laban naÂman ang sunod na batch ng quarterfinalists na kinabibiÂlaÂngan ng blacklight dancers na Zilent OverÂload, flag twirlers na Si.Co.Gu., acrobats na Eyx-Point, boy crooÂner na si John Neil Roa, singer na si Eumee Lyn Capile, at belly dancer na may espada na si Sundee Viñas. Sino pa ang sasama kina Chaeremon at The Miss Tres sa semi-finals?
Huwag palalampasin ang Pilipinas Got Talent 4, sa pangunguna nina Luis Manzano at Billy Crawford bilang hosts, tuwing Sabado, pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya, at tuwing Linggo (April 7), pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.