^

PSN Showbiz

Nakalagak sa St. Paul’s Cathedral Iron Lady pinagluluksa ang buong UK

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagluluksa na ang buong United Kingdom dahil sa pag­­ya­o ng ng former British Prime Minister na si Margaret Thatcher.

Ayon sa anak nitong si Carol Thatcher, stroke ang naging dahilan ng pagmamaalam ng tinaguriang “The Iron Lady” ng Great Britain.

Matagal na ring may sakit na dementia ang 87-year-old ex-PM na si Thatcher.

Nagpasabi na si Queen Elizabeth ng kanyang pakikiramay sa pamilya ng yumaong si Baroness That­cher.

“The Queen was sad to hear the news of the death of Baroness Thatcher. Her Majesty will be sending a private message of sympathy to the family,” pahayag ng Buckingham Palace.

Ang current Prime Minis­ter ng UK na si David Ca­me­ron ay nakidalamhati rin sa pamilyang Thatcher: “It was with great sadness that l learned of Lady Thatcher’s death. We’ve lost a great leader, a great prime minister and a great Briton.”

Si Margaret Thatcher ang kauna-unahang Prime Mi­nister of Britain na member ng Conservative Party in 1979. Naglingkod siya hanggang 1990 bago siya bu­maba sa puwesto para mapalitan ni Michael Heseltine.

Ginampanan pa ni Meryl Streep ang buhay ni Margaret Thatcher sa pelikulang The Iron Lady noong 2011. Napanalunan ni Meryl ang Golden Globe, BAFTA, New York Critics, London Film Critics, at Oscar best actress sa kanyang pagganap sa dating Prime Minister.

Bilang pagbigay ng respeto kay Thatcher, ang Union Flags sa Number 10 Downing Street and Parliament ay naka-half-mast.

Ang funeral ay gaganapin sa London’s St. Paul’s Cathedral with full military honors.

BARONESS THAT

BARONESS THATCHER

BRITISH PRIME MINISTER

BUCKINGHAM PALACE

CAROL THATCHER

IRON LADY

MARGARET THATCHER

SHY

THATCHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with