Heart nakayang magbuhat ng tukador nang maglayas, dinala sa bahay ni Alessandra

Apektado pa rin si Heart Evangelista sa pagpapa-presscon ng parents niya on national TV sinabi ang hindi nila pagpabor kay Sen. Chiz Escudero bilang nobyo ng kanilang anak. Sa interview namin sa aktres sa second to the last taping day ng Forever, napaluha ito sa tanong kung ano ang naramdaman niya na mas marami ang kumampi sa kanya kesa mother niya?

“It confuses me a lot, naintindihan nila ako, but when I heard things na sinasabi nila against my mom I feel bad when things are said about her. Nahiya ako dahil ako lang ang nakakaintindi sa kanya. Confused ako if I have to feel good that they believe me, but it’s my mom. It’s a weird situation,” sagot ng Kapuso actress.

Para kay Heart, nagawa na ni Chiz ang lahat nang panunuyo sa parents niya at confused siya sa nangyari dahil sabi nito, three to four days ago bago magpa-presscon ang parents niya ay inimbita pa ng mother niya si Chiz sa isang resto kaya nagulat siya sa mga sumunod na nangyari.

Naniniwala si Heart na may mga taong naninira sa kanyang BF pero wala siyang sinabi kung sino.

Nasa taping ng Forever si Heart nang unang magpa-presscon ang parents niya, iyak siya nang iyak, kaya nag-call ng early break si Direk Ricky Davao at one hour din siyang umiiyak.

Plano ni Heart na magbakasyon muna after ng Forever, pupunta siya sa San Francisco, California. Napangiti ito sa sinabi naming after election na siya umalis para makaboto muna siya at sayang ang one vote niya sa BF.

Second time na napangiti si Heart sa interview ay nang ikuwento na minsan ay pumunta siya sa condo niya para kumuha ng ilang gamit. Nagmamadali siyang kumuha ng mga gamit kabilang ang isang tokador na nakaya nilang buhatin ng kanyang kasama. Dinala niya sa bahay ni Alessandra de Rossi ang tokador at pininturahan nila.

Busy sa kampanya si Sen. Chiz ngayon. Hindi pa rin pinatutulong si Heart sa kampanya dahil ayaw niyang masabi na ginagamit siya sa kampanya. Pero nakakatuwa dahil wil­ling ang senador to fight for her.

Nabanggit namin sa aktres na may bracelet na suot si Chiz na may pangalan niyang nakasulat. Meron din siyang bracelet at tiyak na Chiz naman ang nakasulat.

Sa tanong kung ano ang gagawin ‘pag nakita niya ang mommy niya, sabi ni Heart ay babatiin niya ang ina. Inamin naman niyang may tampo siya sa ina, nasaktan, pero hindi siya galit at hindi siya puwedeng magalit sa pa­rents niya na mahal na mahal niya.

Samantala, magugulat ang kanyang fans dahil pumayag na pala siyang mag-cover sa isang men’s ma­gazine. Hindi siya pinagbawalan ng BF dahil gusto nitong ma-experience niya ang lahat sa buhay.

Jericho-Kristine fans aktibo pa

Buhay na buhay pa rin ang fans nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa kahit may asawa at anak na ang aktres kay Oyo Sotto at happy si Jericho sa GF niyang si Kim Jones.

Nang mag-post sa Instagram si Oyo ng picture nila ni Kristine nang mag-guest ang asawa sa Vampire ang Daddy Ko, hindi ‘yun nagustuhan ng ilang fans nina Jericho at Kristine. Na-edit ang photo ng mag-asawa at pinalitan ang face ni Oyo ng face ni Jericho kaya sina Kristine at Jericho na ang magkasama sa picture.

May mga nag-bash pa sa aktres dahil sa paggi-guest sa show na umeere sa GMA 7 gayong wala na itong kontrata sa ABS-CBN at puwedeng mag-guest kahit sa­ang network.

Problema ni Sarah sa GMA 7 inaayos ni Richard

Nabasa namin ang tweet ni Sarah Lahbati na “Wish I could watch #LoveandLies!!! Who’s watching!! Tutok lang kayo.”

Ni-RT ni Ruffa Gutierrez ang tweet ni Sarah na for sure ay nakarating na kay Richard Gutierrez.

Hindi lang Love and Lies ang mami-miss ma­panood ni Sarah, pati na ang showing ng pelikulang My Lady Boss nina Richard at Marian Rivera na hindi pa alam kung kailan ang talagang showing.

Anyway, ang sabi ay tumutulong si Richard na maayos ni Sarah ang problema sa GMA Network. Ibig bang sabihin ’pag naayos ng aktor ang problema ng GF, puwedeng makabalik ng bansa si Sarah at puwedeng ipagpatuloy ang pag-aartista?

Show comments