May nakilala lang si Kris Aquino na isang mayamang matandang lalaki habang nagbabakasyon silang mag-iina sa France ay tinanggap na agad ng lahat na ang lalaki ay manliligaw sa kanya? Dadalaw dito ang lalaking maituturing ng lolo ng mga anak ni Kris pero ubod daw ng yaman at interesadong bumili ng mga lupain sa atin.
Kung sabagay, hindi kataka-taka kung mahalina ito sa presidential sister na bukod sa may kapatid ng pangulo ng bansa ay siya mismo ay isang sikat na personalidad dito, being the Queen of All Media.
Sana nga, totoo ngang ipo-pursue nito si Krissy dahil matagal nang loveless ito at panahon nang magkaroon ng “tito†ang kanyang dalawang anak.
Mga anak nina Janice at John, sapul sa kanilang gulo
Sana matapos na ang gulo sa pagitan nina JaÂnice de Belen at John Estrada. Ito ang mahirap kapag ang dalawang nag-aaway ay hindi nag-uusap, madalas hindi nagkakaintindihan.
Sana kahit minsan mag-usap sila para malaman nila ang totoong problema nila para maiiwas ang mga anak nila ni Janice at mag-ina ni John sa intriga.
Mga kandidata ng binibini ngayong taon, mas magaganda
Pinakamaganda ang batch ngayong taon ng Bb. Pilipinas. Marami ang may potensiyal na manalo at marami ang Inglisera. Napaka-pintasera naman ng mga nagsasabing mukha silang bakla. Huwag kayong maniniwala sa kanila. Inggit lang siguro sila.
Taun-taon naman palaging maraming pintas sa Bb. Pilipinas and, yet, ilang beses nang halos ay nakuha natin ang titulong Miss Universe.