Natiyempuhan kahapon si Isay Alvarez sa Misibis Bay sa Bicol ng mga reporter na inimbitaÂhan ni Albay Governor Joey Salceda sa Daragang Magayon Festival.
Kasama ni Isay ang kanyang mister na si RoÂbert Seña at ang kanilang isang anak.
Napag-usapan ni Isay at ng entertainment press ang kanyang sakit na Stage 1 leukemia o cancer of the blood. Maganda naman ang balita ni Isay dahil nagagamot ang kanyang karamdaman.
Si Isay ang pangalawang singer-actress na naging cast member ng Miss Saigon na may leukemia illness.
Nauna nang umamin si Monique Wilson na dati rin na cast member ng Miss Saigon. Ikinuwento ni Monique ang kanyang karamdaman nang aminin niya sa isang presscon ang pagiging tomboy. Coincidental na parehong original cast ng Miss Saigon sina Isay at Monique.
Pareho rin ang kanilang sakit. Bakit nga kaya?
Paghihintay ni Enzo nagbunga
Happy ako para kay Enzo Pineda dahil isa siya sa mga lead actor ng Kakambal ni Eliana, ang upcoming afternoon teleserye ng GMA 7.
Ang Kakambal ni Eliana ang biggest television break ni Enzo. Natutuwa ako dahil sa wakas ay nagbunga ang kanyang matagal na paghihintay.
Hindi nagmadali si Enzo. Hindi siya nag-ambisÂyon na maging bida agad. Alam niya na kanya-kanyang panahon ang pagsikat at darating ang araw na mabibigyan siya ng Kapuso Network ng big break.
Aktres na eskandalosa tinanggihang makapareha ng ‘ex’ na aktor
Tumanggi ang isang aktor na makapareha sa pelikula ang aktres na eskandalosa. Tahimik na buhay ang gusto ni aktor. Alam niya na magugulo ang kanyang personal life kapag nagkasama sila ng aktres na walang kahihiyan, taklesa, at kaligayahan na ang itsismis ang buhay ng ibang tao.
If I know, totoo ang tsismis na may nakaraan ang dalaÂwa kaya umiiwas ang aktor na magkasama sila ng aktres sa isang project. Mga bagets pa ang dalawa nang gumawa noon ng pelikula at ang mga close sa aktres ang nakadiskubre sa mga lihim ng aktor.
Obvious ba kung sino ang source ng mga tsismis na ikinaloka ng aktor na feeling respected sa entertainment industry?
Grace Poe umitim na sa kampanya
Umitim na ang balat ng former chair ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Grace Poe Llamanzares dahil kesehodang tirik ang araw, tuluy-tuloy ang kanyang pangangampanya.
Hindi nasayang ang pagod ni Mama Grace dahil maganda ang puwesto niya sa mga survey ng mga senatoriable.
Isa si Mama Grace sa mga kandidato na masipag mangampanya. Talagang sinusuyod niya ang lahat ng sulok ng bansa. Kung may mga hindi siya napupuntahan na kampanya, nagpapadala siya ng mga representative, ang kanyang anak na panganay o ang pinsan na si Sheryl Cruz.
Malaking bagay din ang mga TV ad campaign ni Mama Grace. Malakas ang recall ng kanyang TV commercial dahil sa paulit-ulit na paggamit niya ng “Poe†at “Opoe†habang nakikipag-usap sa masang Pilipino.