Sa kambal nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, si Cassandra o Cassey ang gustung-gusto talagang mag-artista. At kahit gusto ng kanyang mga magulang na mas bigyan prayoridad niya ang kanyang pag-aaral na ginagawa naman niya, ang ibang mga ginagawa ng bata tulad ng pagkuha ng voice lessons, dance lessons, at paggawa ng komersiyal ay malinaw na indikasyon na susunod ito sa yapak ng mga celebrity parents niya.
Sa gulang na dose, masyado pang bata si Cassey para mag-artista pero kung talagang nakatakda rito ang bata ay wala na siguro pang mapagpipilian sina Carmina at Zoren kundi ang gabayan ito.
Samantala, hindi makumpima ni Carmina kung iiwan na nga ba ni Zoren ang TV5 para lumipat ng ABS-CBN.
“Wala naman siyang kontrata sa kahit saang istasyon. Pero kung anuman ang magiging desisyon niya ay susuportahan ko siya,†sabi ng misis.
Mga guest ni Ryzza Mae kailangang mag-cha-cha
Lahat pala ng magiging guest ni Ryzza Mae Dizon ay kailangang magsayaw ng cha-cha sa istilong ginagawa niya. So far, wala pang naiimbita sa show niya ang hindi nakagawa nito. Tulad nina Susan Roces at Maricel Soriano na hangang-hanga sa kabibuhan ng maituturing na pinakabatang host ng sarili niyang TV talk show sa bansa.
Richard Yap proud na proud sa picture nila ni Gov. Vi
Okay lang kay Richard Yap kung pagkatapos ng Be Careful With My Heart ay hindi na siya mabigyang muli ng project na katulad nito. Hindi naman siya nag-artista para sumikat. Gusto lang niyang magtrabaho at mabigyan ng magandang future ang kanyang pamilya. May fall back naman siya kung mawala siya, may babalikan siyang magandang trabaho at magaling siyang negosyante.
Hindi nagkamali ang tsinitong aktor nang pumaÂyag siyang mag-guest sa indie film na Ekstra na nagtatampok kay Gov. Vilma Santos. Nagkaroon sila ng chance ng maging close ng Star for All Seasons.
“She was very nice, very down to earth. Hindi niya ipina-feel na malaking artista siya. Very welcoming siya at pumayag na magpa-picture sa akin,†pagmamalaki ang ngayon ay kilala rin bilang Ser Chief.
Jessy ilulunsad uli Napaka-suwerte naman ni Jessy Mendiola.
Kapag nagkataon, dalawang ulit siyang ilulunsad ng ABS-CBN. ‘Yung una ay sa Sabel at ang ikaÂlawa ay sa Maria Marcedes, isang Mexican telenovela na gagawan ng Filipino version. Si Jake Cuenca ang makakapareha niya.
Wala pa ring kumpirmasyon kung may relasyon na sila ni Matteo Guidicelli pero pareho nilang sinasabi na espesyal ang kung anuÂman ang namamagitan sa kanilang dalawa ngayon.