Dugong buhay sa TV magsisimula na
MANILA, Philippines - Ngayon na huhusgahan ang pinakabagong Kapamilya Gold action-drama series ng ABS-CBN na tiyak na bubuhay sa hapon ng buong sambayanan, ang Dugong Buhay, na pagbibidahan ng ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa bansa na sina Nonie Buencamino, Sunshine Cruz, Christian Vasquez, Arjo Atayde, at Ejay Falcon simula Lunes (Abril 8).
Tiyak na mapapakapit ang TV viewers sa inaabangang pagbubukas ng Dugong Buhay dahil sa engrandeng paghahanda ng teleserye mula sa paggawa ng konsepto, sa mala-pelikulang direksiyon, hanggang sa pagbubuo ng mga makapigil-hiningang tagpo sa kuwento na tatatak sa puso ng bawat pamilyang Pilipino.
Ayon kay Carlo J. Caparas, espesyal na proyekto para sa kanya ang pagsasagawa ng TV remake ng nobela niyang Dugong Buhay dahil ito ay inaalay niya para sa mga kapos-palad na manggagawa. Aniya, “Ang TV remake ng Dugong Buhay ay isang magandang panoorin na pinaghandaan, pinaghirapan, at ginamitan ng iba’t ibang talento.â€
Para sa direktor na si Toto Natividad, isang malaking karangalan para sa kanya na maidirek ang obra maestra ng tanyag na manunulat. “Ibang klaseng hamon ito para sa akin dahil hindi lang ito tungkol sa bakbakan at aksyon. Isa itong action-drama series na punung-puno ng tensyon pero may puso.â€
Samantala, maging ang cast ng Dugong Buhay ay masayang-masaya na mapabilang sa bagong teleserye ng Kapamilya Network.
“Tiyak na makaka-relate ang mga manonood dito dahil ang tatamaan ng palabas na ito sa puso ng lahat ay ang pagkakaroon ng kapasidad ng bawat tao na makapagpatawad,†ani ni Nonie na gaganap bilang Simon sa serye.
Isang dream come true para sa young actor na si Ejay ang magbida sa pinakabagong teleserye ng Kapamilya Gold na nangangarap maging isang action star na bibigyan katuparan ng Kapamilya Network.
Masaya rin si Sunshine sa kanyang pagba‑balik-telebisyon bilang si Isabel de Lara sa Dugong Buhay.
Ang Dugong Buhay ay iikot sa kwento ng buong buhay na paghihiganti ng sakadang si Simon laban sa kalupitan ng pamilya ng mga De Lara. Dahil sa masidhing galit na kanyang bitbit mula noong kanyang pagkabata, gagamitin ni Simon ang sariling anak na si Victor (Ejay) upang mapagtagumpayan ang balak na pabagsakin ang mga tao na umalipusta sa kanyang pamilya.
Tampok rin sa “Dugong Buhay†sina Pen Medina, Ana Capri, Lito Pimentel, Ketchup Eusebio, Yam Concepcion, Jed Montero, at Ronnie Quizon. Kasama rin para espesyal na pagganap sina Carlo Aquino, Ahron Villena, at Yen Santos.
Ang pinakabagong action-drama series sa Kapamilya Gold ay sa ilalim ng direksyon nina Toto Natividad at Mikey del Rosario. Mula sa mga tao na bumubuo ng hit daytime drama series na Be Careful With My Heart, ang Dugong Buhay ay isa na namang obra na magpapainit ng hapon ng mga manunuod.
Huwag palampasin ang engrandeng pagbubukas ng kwenÂto ng Dugong Buhay ngayong Lunes sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.
- Latest