^

PSN Showbiz

Kris balik-trabaho, walang choice

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balik sa trabaho si Kris Aquino sa Pilipinas Got Talent (PGT) matapos ang pasabog niya two weeks ago na iiwan na muna niya ang showbiz para mamuhay ng normal para sa kanyang anak na si Baby James.

Hanggang June pa mapapanood si Kris bilang isa sa mga hurado ng PGT. Wala siyang choice dahil franchise ang nasabing programa ng ABS-CBN.

Maaalalang nagsimula ang lahat nang magkaroon ng issue sa kanila ni James Yap na umabot sa pagsasagutan nila sa kani-kanilang interview ng dating asawa.

Kagagaling lang sa bakasyon sa France ni Kris kasama ang kanyang mga anak.

As of yesterday ay wala pang comment si Kris sa issue na kakandidato siya sa 2016.

Female TV host kumpirmado ang kamalditahan

Kumpirmado ang kamalditahan ng isang female TV host na dati ring aktres at may-asawa na.

Kuwento ng isa kong friend na nakasabay niya sa isang salon, kering-keri raw nito ang magparinig o magpatutsada sa isang kapwa niya customer porke hindi siya agad naasikaso.

Ganito raw ang nangyari: Nauna raw dumating si customer kesa sa celebrity sa nasabing salon. Pagkatapos ng 30 minutes, saka dumating ang female TV host na dati ring aktres. Siyempre dahil mas nauna si customer, siya ang inasikaso ng isang staff.

Si female TV host naman ay nagpapa-makeup lang at nagpapaayos ng buhok.

Aba, hamakin mo raw nang fully made up na ang nasabing dati ring aktres, nagparinig sa customer na, “Akala ko kasi makakapagpa-manicure ako.” Inulit pa ng ilang beses na alam mo raw na nagpaparinig sa customer na hindi man niya kilala ay kilala naman siya bilang artista.

So, tinanong daw ni customer sa manikurista kung may appointment siya (female TV host), wala naman daw ang sagot nito.

“So, dapat porke artista siya dapat asikasuhin?” say nang kasabay na customer.

Uh-oh.

Kung sabagay, simula naman sa umpisa kilala na siyang may pagka-mataray. So, hindi nakakatakang dala niya pa ito hanggang ngayong may asawa’t mga anak na siya.

vuukle comment

BABY JAMES

BALIK

CUSTOMER

GANITO

HANGGANG JUNE

INULIT

JAMES YAP

KRIS AQUINO

PILIPINAS GOT TALENT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with