It takes... nagdagdag ng mga sinehan, pumipila mas dumami pa!

SEEN: Ang mga puri ni Sunshine Cruz na good provider at good father si Cesar Montano. Si Sunshine ang source ng balita na may ibang babae si Cesar.

SCENE: Si Jericho Rosales ang makakatambal ni Alex Gonzaga sa teleserye na gagawin sa ABS-CBN ng dating Kapatid contract star.

SEEN: Ang mahabang pila sa ika-pitong araw sa mga sinehan ng It Takes a Man and a Woman. Dinagdagan ang mga sinehan na pinagtatanghalan ng blockbuster movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

SCENE: Ang talk show ni Ryzza Mae Dizon ang itatapat ng GMA 7 sa Be Careful With My Heart ng ABS-CBN. Si Ryzza Mae ang youngest talk show host sa Pilipinas.

SEEN: Ikinabigla ni Solenn Heussaff ang tax evasion case na isinampa laban sa kanya ng BIR: “I was shocked when I found about this because I’ve been assured all along by people I have entrusted my financial matters to that everything was being handled correctly. I’m having this looked into and addressed now, and I assure everyone, especially my fans, that I will do only what is right here. That is how I and my siblings were brought up by our parents – to always be correct in all our dealings.”

SCENE: Ipinagdiwang kahapon ni former President Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang 66th birthday sa Veterans Memorial Medical Center.

SEEN: Si Joey de Leon ang tumanggap kahapon sa posthumous award para sa kanyang ama na isang World War II veteran. Ginanap ang awarding ceremony sa Philippine Army Grandstand, Fort Bonifacio, Taguig City.

Nagsimula kahapon ang Philippine Veterans Week at matatapos sa April 11.

SCENE: Nag-taping na si Marvin Agustin at ang Karinderya Warriors sa Karinderya Wars ng TV5 sa Camp Tomas Karingal s Quezon City noong Huwebes.

 

Show comments