Solenn Heussaff kinasuhan ng BIR!

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion ang celebrity na si Solenn Marie Adea Heussaff na may screen name na Solenn Heussaff dahil sa pagkabigo na mabayaran ang buwis sa pamahalaan na isang paglabag sa Section 254 at Section 255 ng National Internal Revenue Code of 1997 o Tax Code.

Kasama sa kinasuhan ang Certified Public Accountant (CPA) ni Heussaff na si Teofilo Magno, Jr. na nag-certify sa financial statements ng kanyang kliyente.

Si Heussaff na isang actress, TV host, model, singer, at endorser ng iba’t ibang produkto sa Pilipinas ay nakatira sa No. 17 Tamarind St., Forbes Park, Makati City at may business address sa No. 1970 Kasoy St., Dasmariñas Village, Makati City.

Sa record ng BIR, si Heussaff ay kumita ng P13.38 million noong 2011 pero ang naideklara lamang ng kanyang CPA ay kumita lamang ang aktres ng P6.73 million noong 2011 batay sa nai­deklara sa kanyang Income Tax Return (ITR) para sa taong 2011. Lumalabas na may P3.6 million na tax liability ang naturang aktres noong 2011.

Show comments