MANILA, Philippines - Kahit paminsan-minsan ay uumulan pa rin, ilulunsad na ng ABS-CBN ang kanilang summer station ID.
Babalikan nila ang mga alaala sa mga nagdaang summer sa pinakabagong summer station ID na mapapanood ngayong Linggo sa ASAP 18.
Pinamagatang Kwento ng Summer Natin, isasalaysay ng 2013 summer station ID ng Kapamilya Network ang kuwento ng summer ng bawat Pilipino at pupukawin ang mga alaala ng kanilang kahapon sa pagsasabuhay ng mahigit 100 Kapamilya stars sa pinakasikat na mga programa sa telebisyon sa nakaraang 60 taon nito.
May time travel kasama sina Piolo Pascual at Bea Alonzo na naka-todo gayak na pang-‘50s na sasabayan pa ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa pangunguna ni Maestro Gerard Salonga.
Babalik naman sa ’60s sina Enchong Dee at Maja Salvador at hahataw sa dance floor tulad nang paghataw ng iconic tandem ng The Nida and Nestor Show.
Samantala, bibigyang pugay naman nina Angeline Quinto, Sam Milby, at Paulo Avelino ang D’ Sensations ng ’70s kung saan kinilig ang manonood sa tambalang Vilma-Bot at Nora-Pip.
Para naman sariwain ang ’80s ay magpapasabog si Pokwang suot ang sikat na tanga-ala Alma Moreno ng LoveliNess habang sina Rayver Cruz at Cristine Reyes naman ay muling magtatambal para gayahin ang iconic ’80s duo ng Tonight with Dick and Carmi.
Ang mga sexy chick ng It’s Showtime na sina Anne Curtis, Karylle, at Coleen Garcia ay magsa-sunbathe ala-Chick to Chick. Sasamahan din sila ng makukulit na tagamasid na sina Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Kim Atienza.
Muling papasukin ni John Lloyd Cruz ang ’90s at babalikan ang kanyang Tabing Ilog days kasama ang isang panibagong babae sa tabi niya.
Gagawin namang muli ni Angelica Panganiban, kasama ang Goin’ Bulilit kids ang tumatak na “Esmyuskee†skit ng Ang TV.
Hindi naman pahuhuli ang sikat ngayong 2000s. Mamarkahan ’yan ng mainit na love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang pagganap bilang Yna at Angelo ng Pangako sa ’Yo.
Magtatampisaw naman sa tubig suot ang kanilang lifeguard uniforms sina Diether Ocampo, Jericho Rosales, Jake Cuenca, Matteo Guidicelli, Jason Abalos, at Angel Locsin para sariwain ang Baywatch na noon ay isa sa US syndicated programs na umeere sa ABS-CBN.
Ang pinakaunang Asianovela na pumatok sa bansa, ang Meteor Garden, ay muling magbabalik sa katauhan nina Kim Chiu at Xian Lim na gaganap bilang sina San Chai at Dao Ming Su, habang ang isa sa pinakamatagumpay na telenovela, ang Maria Mercedes, ay muling masasaksihan ngayong 2013 sa pagganap ni Jessy Mendiola sa papel na unang pinasikat ng Mexican star na si Thalia.
Hindi lamang sa telebisyon gumawa ng marka sa Pinoy pop culture ang ABS-CBN kung hindi sa musika rin. Muling gumiling sa old dance hits na Otso Otso, Katawan (theme song ng Palibhasa Lalake) at Pinoy Ako.
Sa unang pagkakataon, ang ABS-CBN station ID ay kakawala sa nakasanayang music video dahil eeksena ngayong taon ang sikat na mga katagang napauso ng network tulad ng “Hoy, gising!â€, “Handa na ba kayo?†at “I-Dawn Zulueta mo ako.â€
Ang Kwento ng Summer Natin theme song ay inawit nina Sam Milby at Angeline Quinto sa titik nina Lloyd Corpuz, Mike Sales, Tess Perez-Mendoza, at musika nina Marcus at Amber Davis.
Solenn nagpaliwanag sa kasong tax evasion ng BIR
Agad nagpaliwanag si Solenn Heussaff sa kanyang Twitter account matapos pumutok kahapon ng umaga ang balitang kinasuhan siya ng P3.6 M tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
“I’m an honest person. As transparent as it gets. Someone made a mistake and I have to fix it.
“I’m ordinary too. And I do pay my taxes. Now I know not to give 100% trust,†dagdag niyang tweet.
Minsan na ring nangampanya si Solenn para sa ahensiya.
Umano’y hindi tama ang idineklarang kita ng model-actress kaya maliit ang binayaran nitong tax na naging dahilan para kasuhan siya ng BIR.
Sunshine napatawad na si Cesar, gusto na ring pasayahin!
Iba na ang sinasabi ni Sunshine Cruz tungkol sa kanila ng asawa na si Cesar Montano matapos lumabas ang maraming balitang hiwalay na sila.
Nakakangiti at masaya na ang hitsura niya.
“Siguro nga, kaya nakakangiti ako at masaya ako ngayon, nakapagpatawad na tayo,†say niya sa presscon ng Dugong Buhay, ang bagong programa ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Ejay Falcon at Arjo Atayde kung saan ang aktres ang magiging ina ng dalawang young actor.
“Kristiyano tayo, eh. Mahirap magtanim ng sama ng loob. Dadami wrinkles natin diyan,†sabi niya nang uriratin kung bakit biglang ang bilis naman yata ng mga pangyayari.
Aminado rin siyang mahal pa rin niya ang actor.
“Of course, kapag ang isang tao minahal mo, you want what will make him happy. Kung ano ang makakapagpasaya sa kanya, kung saan siya masaya, so let it be.
“The love, I will not deny that he’s my first boyfriend, my first everything. So, ang pagmamahal na ‘yan, kahit naman sa kanya sinabi ko, it will always be there. Hindi mawawala ‘yan kasi talagang minahal mo at marami kang isinakripisyo para sa taong ‘yon.
“Kahit pa siguro magkaroon pa kami ng iba’t ibang buhay, nandiyan ’yung pagmamahal ko sa kanya dahil siya ang tatay ng mga anak namin. At kamukhang-kamukha niya ang bunso naming anak. Mayroon akong little Buboy na babae,†mahabang sagot niya.
Bago si Sunshine ay nagpa-interview ang sinasabing dahilan ng hiwalayan nilang mag-asawa na si Krista Miller. Muli idinenay ni Krista na never silang nagkaroon ng something ni Cesar dahil meron siyang ka-“thing.â€