Sikreto nina Kim at Maja, pasasabugin na

MANILA, Philippines - Ngayong Miyerkules na mangyayari ang tagpong inaabangan ng buong sambayanan–ang  Ga­bi ng Rebelasyon kung saan ibubunyag ang isa na na­mang sikreto tungkol sa pagiging kambal ng mga karakter nina Kim Chiu at Maja Salvador sa no.1 fa­mily drama series ng ABS-CBN na Ina, Kapatid, Anak.

Kasabay ng pagsisimula ng matapang na pag­laban ni Celyn (Kim) kay Margaux (Maja) tungkol sa kanyang ka­rapatan bilang isang tunay na Marasi­gan, lalantad na ang isa pang nakaaalam ng sik­reto ng pagkatao ng magkapatid bukod kay Oscar (Jayson Gainza).

Sino ang taong ito na pi­niling ikubli kay Teresa (Cher­ry Pie Picache) ang katotohanang kambal ang ipinanganak niya at nagdesisyong ipaubaya si Margaux sa mga Marasigan?

Siya na nga ba ang magiging susi sa pagtuklas ni Margaux sa lihim ng kanyang tunay na pagkatao?

 

Show comments