MANILA, Philippines - Malugod na ibinabahagi ng GMA News TV ang kauna-unahang karaÂngalang nakamit nito mula sa 72nd George Foster Peabody Awards para sa documentary program na Reel Time.
Ang Peabody Awards ang siyang itinuturing na Oscars sa larangan ng broadcast at electronic journalism.
Bagama’t ito ang unang karangalang natanggap ng nangungunang news channel mula sa nasabing institusyon, ito naman ang pangatlong George Foster Peabody award para sa GMA Network at maging sa Pilipinas. Ang una ay para sa Kidneys for Sale noong 1999 at ang pangalawa ay para naman sa Ambulansiyang de Paa ng I-Witness noong 2009.
Ayon sa website ng Peabody, ang nagwaging episode ng Reel Time na Salat ay isang “unflinching portrait of a woman with six mouths to feed which personifies a brutal statistic: Two out of every ten Filipino children are malnourished.â€
Sa simula ng dokumentaryong Salat, makikita ang sampung taong-gulang na batang si Mary Rose na nanghihiram ng sabon sa kaniyang mga kapitbahay para makapaligo. Sa hirap ng kanyang pamilya, kahit ang pambili ng sariling sabon ay wala sila. Pumasok si Mary Rose sa eskuwela nang hindi nakapag-almusal at wala man lang baon kaya naman nakatulog siya sa loob ng klase dala ng gutom.
“Humbling experience ito para sa aming lahat. Marami pang Mary Rose na nangangailangan ng atensiyon ng gobyerno. Bilang mga gumagawa ng dokumentaryo, sisikapin pa naÂming paghusayin pa ang aming trabaho upang makapaghatid ng maÂhaÂhalagang istorya sa taumbaÂyan,†pahayag ng program manager ng Reel Time na si Nowell CuaÂnang, na siya namang direktor ng Ambulansiyang de Paa.
Ayon naman sa executive producer na si Sharon Masula, ‘‘Nagpapasalamat po kami sa mga taong tumulong at patuloy na tumutulong kay Mary Rose. Kung hindi dahil sa kanila, wala rin pong kahiÂhinatnan ang pinapalabas namin. Dahil sa kanila, naÂraÂramdaman naming may silbi at halaga ang mga ginagawa naming dokumentaryo.â€
Nakatakdang tanggapin ng mga nasabing producer ang Peabody Award sa isang seremonya na gaganapin sa Waldorf Astoria sa New York sa darating na Mayo 20.
Mapapanood ang award-winning documentary program na Reel Time tuwing Linggo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.