Matapos mag-umbagan ang mag-ina ‘gagapang ka sa lupa Onyok’ – Rosanna
MANILA, Philippines - Parang hindi na normal ang nangyari sa mag-inang Rosanna Roces at Onyok. Imagine nag-umbagan silang mag-ina at umabot sa puntong muntik magsaksakan.
Hindi normal sa anak ang sinasaktan ang magulang.
Normal din kaya na ang isang ina ay ikukuwento sa Facebook ang mga nangyari sa kanila?
Heto basahin ninyo ang isinulat ni Rosanna Roces sa kanyang Facebook noong Biyernes Santo at kayo na ang humusga.
“kung alam ko lang na lalaki kang ganyan at aabot sa puntong pinaka aayawan ko ..yung sumagot kayo ng pabalang..pero ngayon sinaktan mo pa ko dahil sa p[-----]inang syota mong di mo kadugo...Sana pinatanggal ko na lang ang gamot na bumubuhay sa yo nung nagkasakit ka....walang kapatawaran sa ginawa mo onyok...Gagapang ka sa lupa!!!!â€
“DI AKO MAKARELAX SINAPAK AKO SA MUKHA ....EH! SIKO NAMAN GINANTI KO SA ILONG NYA!
NANGINGINIG ANG P[-----]INA DI NA MAKAGALAW SA KINASADLAKAN..[---]INA AKO PA GAGALITIN NYO EH LAKI AKO SA KALSADA..KAYO P[-----]INANYO PURO PAGPAPALAKI NG B[---]G ALAM NYO! KAHIT DALAWA PANG SINLAKI MO ONYOK ALAM MO GANO KO KALAÂKAS
PASALAMAT KA WALA NA AKONG BARIL !!â€
“hindi sapat na LUMUHOD KA SA HARAP KO.... AT HUMINGI NG TAWAD NA GALING SA ILONG.
“SA DIOS KA LUMUHOD AT MANGHINGI NG TAWAD ..DAHIL SA KANYA MANGGAGALING ANG KAPARUSAHAN MO SA GINAWA MO SA INA MO. PASALAMAT KA NA RIN..YUNG ISASAKSAK KO SA YO...NASALAG NI DIDING. BASTA AKO MANHID NA AKO SA MGA PINAGAGAWA NYO SA AKEN ...KAYA KO NA KAYO [TIISIN] ...NAGAWA KO NA LAHAT. AANHIN KO ANG ME KASAMA KUNG GINAGAWA NAMAN AKO TAU TAUHAN. TANDAAN MO LANG
WALANG TAONG NABUBUHAY NG PARA SA SARILI NYA LANG. WALA KA PANG NARARATING!!! WALA KA PANG NAPAPATUNAYAN......AT LEAST AKO.......... ICON AKO!!! EH IKAW??? BUTI NGA LUMAYAS NA!!! ( NATAWA naman ako sa dayalog ko na ‘to).
Angelica si Derek na lang ang parating naaalala
Ngayong kumikita na ang It Takes a Man and a Woman, panay na ang upload ni AngeÂlica Panganiban sa Instagram ng photos nila ni John Lloyd Cruz noong Holy Week. Ipinakikita niyang in love sa kanya ang boyfriend niya. Ito ay sa kabila nang ginawa niyang pagbabalik alaala sa mga nangyari sa kanila ni Derek Ramsay na kesyo nag-live in sila at kung anik-anik pa.
Kung maayos ang relasyon nila bakit pa niya ikinukuwento ang tungkol doon?
Anyway, baka lang walang ibang isyu na puwedeng pag-usapan.
Pulis, nagpaanak sa saklolo
Tagapagligtas kung ituring ni Carina ang isang pulis na tumulong na magpaanak sa kanya nang maramdaman niyang palabas na ang bata sa kanyang sinapupunan.
Ngayong Miyerkules (Abril 3) sa Pinoy True Stories: Saklolo, ilalahad ng mga mamamahayag na sina Maan Macapagal at Dominic Almelor ang kuwento ng pagtulong ni field investigator Christian Barcase kay Carina na noo’y siyam na buwang buntis at papuntang ospital ngunit bumaba sa isang may police station sa Balintawak para sana maki-CR.
Makalipas ang anim na buwan, malusog na si baby Nico at muling nagkita si Carina at si Christian, na ginawa niyang ninong sa bata.
Samantala, iimbestigahan naman ni Karen Davila ang pagkakalat ng tsismis ng isang misis na may relasyon daw ang kanyang mismong asawa at ang kanilang kapitbahay ngayong (Abril 2) sa Pinoy True Stories: Engkwentro. Hindi na natiis ng nasabing kapitbahay ang mapanirang bali-balita dahil naaapektuhan na pati ang kanyang mga anak.
- Latest