Loren, David, at Señeres magbabanggaan sa harapan
MANILA, Philippines - Nagsimula na ang kampanya ng mga lokal na kandidato noong Sabado ngunit patuloy pa rin ang pagsusuri ni Lynda Jumilla sa mga tatakbo sa Senado sa lingguhang programa na Harapan 2013 ng ANC.
Ngayong (Abril 2), live na pagdedebatehan sa programa ng senatorial candidates na sina Sen. Loren Legarda, dating Rep. Christian Señeres, at Rizalito David ng Ang Kapatiran ang mga maiinit na isyu at mga plano nila para sa bayan. NuÂmero uno sa lahat ng surveys si LegarÂda, ang pinakamalakas na pambato ng Team PNoy, ngunit sablay naman sa lahat nang ito sina Señeres at David.
Tunay na malakas ang hatak ni Legarda dahil siya ang tanging babaeng nakakuha ng pinakamaraming boto sa dalawang magkakasunod na senatorial races at marami na rin siyang naisulong na mga batas para sa kalikasan at kababaihan.
Tila nakatuon sa banggaan ng mga pambato ng administrasyon at oposisÂyon ang halalan sa Senado kaya naman gusto ni Señeres na bigÂng-pansin ng mga botante ang mga nagawa at kakayahan niya. Sa dalawang termino niya bilang pinakabatang mambabatas sa ilalim ng Buhay Party-list, anong mga batas ang kanyang ipinasa? Paano niya papatunayang karapat-dapat siyang maihalal?
Gusto namang itaguyod ng radio commentator at political analyst na si Rizalito David ang mabubuting asal at ang mga turo ng Simbahang KaÂtoliko sa Senado sakaling siya ay makapasok sa Top 12. Ipinaglalaban niya ang malinis na paÂmamahala kaya gusto niyang puksain ang mga political dynasty pati na ang pork barrel.
Panoorin ang Harapan 2013, 7:00 PM ngayong gabi sa ANC (SkyCable Channel 27).
Pinoy rock icon na si Mike hanopol tampok sa Powerhouse
Ngayong Martes, bibisitahin ni Mel Tiangco ang tinaguriang Jeproks ng Pinoy Rock na si Mike Hanopol sa lifestyle program na Powerhouse sa GMA News TV.
Sa trademark na leather pants, black beret, at electric guitar, hindi aakalaing si Mike Hanopol pala ay dating seminarista. Palibhasa’y parehong guro ang kaniyang mga magulang, nakita nilang magandang oportunidad ang pagpapa-aral sa kaniya sa seminaryo noong high school. Pero halos araw-araw daw ay umiiyak ang batang si Mike kaya hindi rin siya nagtagal dito. Nang kalaunan, sinubukan niyang kumuha ng Medical Technology at Fine Arts sa kolehiyo pero Psychology ang kursong natapos niya. Nakatapos man ng kolehiyo, iba pala ang nakatadhanang maging karera ng nasabing Pinoy rock icon.
Sa pagsilip ng Powerhouse sa bahay ni Mike, kitang-kita ang pagiging artistic niya - mula sa mga antigong muwebles hanggang sa koleksiyon niya ng gitara. May maliit na koleksiyon din siya ng paintings ng kaibigang pintor na si Eduardo Torda na sumasalamin daw sa pagiging relihiyoso niya. Kapansin-pansin din ang maliit na prayer room o synagogue kung saan siya nagdarasal kasama ang mga kapwa niya Messianic Jews. Ang mga libro at bibliya na isinulat sa Hebrew ay masusi raw pinag-aralan ni Mike bago siya naging ganap na Jewish Messianic teacher!
- Latest