Magkasundo na uli, for the nth time ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes. Ang ganda ng ngiti ng magkapatid sa litrato na inilagay nila sa Instagram.
Sana nga, tuluy-tuloy na ang magandang relasyon nina Ara at Cristine dahil pagbali-baligtarin man ang mundo, sisters pa rin sila.
At dahil bati na sila, asahan natin na iaatras na ni Ara ang demanda niya laban sa nakababatang kapatid. Hindi naman maganda na magkasundo na sila pero may kaso pa rin si Cristine.
Mag-expect din tayo na magiging visible ang dalawa sa mga showbiz talk show dahil ikukuwento nila kung paano sila nagkabati.
Isabel oli in love na in love ang hitsura
Halatang in love na in love si Isabel Oli kay John Prats dahil blooming siya nang maging guest co-host ng H.O.T. TV noong Linggo.
Umapir si Isabel sa H.O.T. TV dahil nagliliwaliw pa si Regine Velasquez sa Amerika at hindi na puwedeng umapir sa TV si Roderick Paulate dahil simula na ng kampanya ng mga kandidato noong Sabado. Re-electionist si Roderick bilang konsehal ng 2nd District ng Quezon City.
Edu bilib sa diving equipments ni Jennylyn
Alam n’yo ba na bilib na bilib si Edu Manzano sa scuba diving equipments ni Jennylyn Mercado.
Nang magkita kami noon ni Edu, ikinuwento niya ang bonggang scuba diving equipments ng kanyang future daughter in-law. Kumpleto raw ang mga kagamitan ni Jennylyn na mahilig mag-scuba diving, kasama ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano.
FPJ naalala kay Edward Hagedorn
Magkakilala kami ni former Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn pero hindi kami close. Nagkita kami noon sa studio ng TV5 nang ipangampanya niya ang Underground River ng Puerto Princesa para maging One of the New 7 Wonders of Nature at hindi siya nabigo.
Kumakandidatong senador si Mayor Hagedorn at kasama ang name niya sa listahan ng mga iboboto ko dahil bilib na bilib ako sa kanyang mga ginawa para sa pag-unlad ng Puerto Princesa City.
Siya rin ang dahilan kaya sumikat sa buong mundo ang underground river na dinarayo ng mga turista. Naging model ng eco-tourism ng bansa ang Puerto Princesa City dahil kay Papa Edward.
Isinapelikula noon ang life story ni Mayor Hagedorn at si Fernando Poe, Jr. ang gumanap sa kanyang papel. Matalik na magkaibigan ang dalawa. Isa si Papa Edward sa mga public servant na iginagalang ni Kuya Ron.
Kailangan sa senado ang isang tulad ni Papa Edward na walang anumang bahid ng corruption ang matagal na pagsisilbi sa Puerto Princesa City.
April Fool’s Day maraming nabiktima
Marami ang nabiktima kahapon sa social media ng mga tao na sinamantala ang April Fool’s Day.
Sila ‘yung mga tao na walang magawa at kaligayahan na ang paglaruan ang kapwa. Kawawa ang fans na naniniwala sa kanilang mga biro. Ang clueless fans na walang pakialam sa April Fool’s Day at basta na lamang pinapatulan ang news tungkol sa kanilang favorite stars.