^

PSN Showbiz

Dionne Warwick bangkarote na, $1K na lang ang tirang pera sa bangko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Marami ang nagulat sa pag-file for bankruptcy ng isa sa mga pinakasikat na female singer noong 1960s na si Dionne Warwick. Ayon sa documents ni Warwick, may utang ito na higit na $10 million in taxes mula pa noong 1991.

Sa statement ng publicist ng singer na si Kevin Sasaki: “Due to several consecutive years (the late ‘80s through the mid-’90s) of negligent and gross financial mismanagement, Dionne War­wick has realized the current necessity to file personal bankruptcy.”

Ang 72-year-old singer at pinsan ng yumaong Whitney Houston ay nagkamit na ng limang Grammy awards at maraming big hits sa mga composition nina Burt Bacharach at Hal David. Sa ngayon ay may natitira na lang na $1,000 sa kanyang bank account si Dionne at nagmamay-ari ng ilang furniture at mga damit.

Bukod nga sa utang niyang federal IRS na $7 million, may bayarin din siyang $3 million sa California franchise taxes.

Ang total assets na lang na natitira kay Warwick ay nagkakahalaga ng $25,500. Kasama na rito ang dalawang fur coats at two sets ng diamond earrings na nagkakahalaga ng $13,000.

Nagsimula ang career ni Warwick noong 1962 at sa buong career niya ay nagkaroon siya ng 18 consecutive Top 100 singles. Siya ang boses sa Don’t Make Me Over, Walk On By, A House Is Not A Home, Alfie, Say A Little Prayer, I’ll Never Fall In Love Again, at That’s What Friends Are For.

 

A HOUSE IS NOT A HOME

BURT BACHARACH

DIONNE WAR

DIONNE WARWICK

HAL DAVID

KEVIN SASAKI

MAKE ME OVER

NEVER FALL IN LOVE AGAIN

WARWICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with