^

PSN Showbiz

Susan Roces nasayang sa Perpetua!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nahalata na replay kahapon ang ASAP 18 dahil hindi na-edit ang pagbati ni Angeline Quinto ng “Happy New Year”.

SCENE: Walang direksyon ang kuwento ng Perpetua, ang Black Saturday drama ng GMA 7. Nasayang ang pagganap ni Susan Roces bilang Perpetua na biglang namalimos matapos lumayas sa sariling bahay dahil ni-raid ng mga pulis ang kanyang pasugalan.

SEEN: Ang kick-off kahapon sa Liwasang Bonifacio ng kampanya nina former President Joseph Estrada at Manila Vice Mayor Isko Moreno. Kumakandidatong mayor ng Maynila si Erap at running mate niya si Isko.

SCENE: Ngayong hapon, 4:00 p.m., ang kick-off ng kampanya ni Mayor Alfredo Lim at ng kanyang running mate na si Councilor Lou Veloso sa Liwasang Bonifacio. Si Cesar Montano ang host ng proclamation rally nina Lim at Veloso.

SEEN: Dadalo sa proclamation rally nina Mayor Lim at Councilor Veloso si President Noynoy Aquino at ang mga kandidatong senador ng Liberal Party.

SCENE: Nagkita sa Paris, France si KC Concepcion at ang kanyang half-sister na si Cloie Skarne. Hindi pa handa si Cloie na makaharap ang kanyang biological father na si Gabby Concepcion.

SEEN: Kahawig ni Ryzza Mae Mendoza si Althea Vega, ang sexy actress na bida sa Amor Y Muerte.

SCENE: Maganda ang quality ng teaser ng Amor Y Muerte, ang official entry sa 2013 Cinemalaya Independent Film Festival.

ALTHEA VEGA

AMOR Y MUERTE

ANGELINE QUINTO

BLACK SATURDAY

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

CLOIE SKARNE

COUNCILOR LOU VELOSO

COUNCILOR VELOSO

LIWASANG BONIFACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with