Sta. Niña ni Coco nanalong best drama picture, Alessandra best actress, Anita Linda waging best supporting actress!

Ang indie film na Sta. Niña na entry sa nakaraang Cine­malaya Independent Film Festival ang big winner sa katatapos na 1st ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) na ginanap sa Malaysia.

Ayon sa report ng ABS-CBN.com, nanalo ang pelikula na pinagbibidahan ni Coco Martin ng tatlong awards kasama na ang best drama picture. Si Alessandra de Rossi naman ang nanalong best actress para pa rin sa nasabing pelikula habang si Anita Linda ang idineklarang best supporting actress para pa rin sa Sta. Nina.

Ang Kapamilya child actor naman na si Bugoy Cariño ang nagwaging best supporting actor para sa isa pang indie film na Alagwa na pinagbidahan ni Jericho Rosales na hindi pinalad na magwaging best actor. Ang aktor na si Shaheizy Sam ng Malaysia ang nanalo.

Ang Hollywood star na si Michelle Yeoh ang tumanggap ng AIFFA Lifetime Achievement Award.

Ginanap ang tatlong araw na event sa Malaysian city of ­Kuching.

Narito ang kumpletong nanalo:

Best Screenplay: Bunohan-Dain Iskandar Said (Malaysia)
Best Film Editing: Sang Martir-Cesa David Luckmansyah (Indonesia)

Best Director of Photography: Rayya -Rahmat Ipung Syaiful (Indonesia)

Best Actor: Songlap -Shaheizy Sam (Malaysia)

Best Actress: Sta. Niña, Alessandra de Rossi (Philippines)

Best Supporting Actor: Alagwa, Bugoy Cariño (Philippines)
Best Supporting Actress: Sta. Niña, Anita Linda (Philippines)
Best Picture-Drama: Sta. Niña directed by Emmanuel Palo (Philippines)

Best Picture-Comedy: Istanbul Ako Datang directed by Bernard Chauly (Malaysia)

Best Picture-Action: Songlap directed by Effendee Mazloan & Fariza Azlina Isahak (Malaysia)

Best Director: Atambua, 39 Degrees Celsius, Riri Riza (Indonesia)

ASEAN SPIRIT Award: Cinta Tapi Beda directed byHestu Saputra and Hanung Bramantyo (Indonesia)

Special Jury Award 1: Kayan Beauties (Myanmar)

Special Jury Award 2: Retroverso (Indonesia)

Special Jury Award 3: Ada Apa Dengan RNA (Brunei)

Special Jury Award 4: Taxi! Taxi! (Singapore)

Special Honor Award: Hanyut (Malaysia).

Bagong pelikula nina Sarah at John Lloyd P32.5 million ang kita sa unang araw

Grabe ang pila sa opening day ng It Takes a Man and a Woman. Nang manood kami sa SM North EDSA halos paikot ang pila dahil nga mara­ming tao. Tatlong sinehan sa nasabing mall palabas ang pelikula nina John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo.

Pila raw sa lahat ng sinehan maging sa Rockwell, Makati City sabi ni Tita Dolor Guevarra. Sosyal ang crowd ng Rockwell at bihirang magkaroon ng pila ang mga Tagalog film doon.

Ang estimate ng beteranang talent manager, makaka-P30 million ang pelikula noong Sabado dahil sa rami ng mga tao sa mga sinehan sa Metro Manila at isama pa ang pila sa mga provincial theater.

Hindi naman siya nagkamali dahil, ayon sa initial na balita, umabot sa P32,598,327.14 ang kita ng It Takes a Man and a Woman, mas malakas sa huling pelikula nina John Lloyd at Bea Alonzo na kumita lang ng P23 million sa unang araw.

Teka, parang consistent na kapag co-producer ng Star Cinema ang Viva Films mas malaki ang kita ng pelikula nila kesa ‘yung solo lang ang Star Cinema. Mula sa mga pelikula ni Vice Ganda na Petrang Kabayo at Praybeyt Benjamin, No Other Woman, at Sisterakas.

 Anyway, in fairness kay Sarah, magaling siya sa movie at na-keri ang pag-slang-slang ha?

Show comments