MANILA, Philippines - Tunay na pinaka-aabangan ng primetime TV viewers sa buong bansa ang “muling pagkabuhay†ni Rebecca (AngeÂlica Panganiban) sa katauhan ng kakambal nitong si Serena (Angelica) sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Apoy sa Dagat.
Patunay dito ang latest data mula sa Kantar Media noong Lunes (Marso 25) kung kailan nakamit ng Apoy sa Dagat ang all-time high national TV ratings nito mula nang magsimula itong umere noong Pebrero 11. Humataw ang pinakamainit na serye ngayon ng 28.6% national TV ratings, o 12 puntos na kalamangan kumpara sa bagong katapat nitong programa sa GMA na Mundo Mo’y Akin na nakakuha lamang ng 16.6%.
Ngayong inangkin na ni Serena ang naiwang buhay ni Rebecca, maisasakatuparan kaya niya ang misyon na maipaghiganti ang kakambal sa lahat ng mga taong umapi dito kabilang na si Adriana (Angel Aquino)? Anong gagawin ni Odessa (Aiko Melendez) ngayong buhay pala ang anak niya?
Mahulog kaya ang loob ni Serena sa nobyo ni Rebecca na si Anton (Diether Ocampo) o mas matimbang pa rin sa puso niya ang kababatang si Ruben (Piolo Pascual)?
Huwag palampasin ang mas umiinit na kwento ng Apoy sa Dagat, gabi-gabi, 9pm, pagkatapos ng Ina, Kapatid, Anak sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates at feeback kaugnay ng programa, i-like ang official Facebook fanpage ng Apoy Sa Dagat sa http://facebook.com/apoysadagat2013 at sundan ang @Apoysadagat_TV sa Twitter.