Afternoon serye nina Vina at Carmina kasali sa overall top TV shows sa Pilipinas

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pagtaas ng national TV ra­­tings ng hit afternoon family drama series ng ABS-CBN na May Isang Pangarap, bahagi na ito ngayon ng overall Top 20 TV programs sa bansa. Sa katunayan, base sa datos mula sa Kantar Media noong Lu­nes (Marso 25), nag-rank 17 na ang teleseryeng pi­nagbibidahan nina Carmina Villarroel, Vina Mora­les, at ng mga Kapamilya child star na sina Larah Sa­broso at Julia Base taglay ang 11.2% national TV ratings.

Ang katapat nitong programa sa GMA 7 na Unforgettable ay nakakuha lamang ng 7.8% national TV ratings.

Ngayong nalaman na ni Larah ang masamang uga­li ni Julia, magsisimula na ba kompetisyon sa da­lawang bata? Huwag palampasin ang top-rating fa­mily dramang para sa lahat ng nangangarap, May Isang Pangarap, tuwing hapon, 2:45 p.m., pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Show comments