‘Fresh’ TV5, bubungad sa Easter Sunday

MANILA, Philippines - Kakaibang TV5 ang bubungad sa mga Kapatid viewers simula sa darating na Linggo, Easter Sunday. May temang Go Fresh, GO5! ang bati ng Kapatid Network sa Summer 2013, na masisimulan nang mapanood sa mga programang Istorifik: Pidol’s Kwentong Fantastik, Talentadong Pinoy Celebrity Edition at Minority Report na handog ng Sine Ko 5ingko.

 Ang singer-actor na si Ariel Rivera ang bida sa episode ng Istorifik: Pidol’s Kwentong Fantastik pagdating ng 6:30PM na may pamagat na Big Boy Popoy. Tungkol ito sa isang batang lalaking gustung-gusto nang tumanda para makapunta siya sa iba’t ibang lugar. Sa tulong ng isang magician (Jeff Tam), tatanda nga si Popoy—pero hindi siya agad makakabalik sa tunay niyang edad! Kasama sa cast ang baguhang si Regine Angeles.

 Samantala, hatid naman ng Talentadong Pinoy Worldwide ang espesyal na Celebrity Edition nito pagpatak ng 7:30PM. Magtatagisan ng ga­ling sa pagsayaw ang Olympic boxer na si Onyok Velasco, ang Amazing Race Philippines winners na sina LJ Moreno at CJ Javarata, pati na ang TV5 host na si Dianne Medina. Patutunayan naman ni Jenine Desiderio na kaya niyang magpaka-opera singer. Hindi rin magpapahuli ang singer na si Luke Mejares sa kanyang kakaibang lip synch at impersonation number. Samahan ang multi-awarded host na si Ryan Agoncillo pati na ang Talent Scouts na sina Direk Joey Javier Reyes, Tuesday Vargas at ang dating Celebrity Edition winner na si Arnell Ignacio sa paghuhusga kung sino sa mga ito ang may karapatan ma­ging next Ultimate Celebrity Talentado.

Tuluy-tuloy naman ang excitement sa pagtatanghal ng Sine Ko 5ingko sa Minority Report pagdating ng 8:30PM. Ang Hollywood star na si Tom Cruise ang bida sa futuristic thriller na ito. Gaganap si Cruise bilang member ng isang elite police squad na kayang makapigil sa mga kriminal bago pa man sila magkasala. Ano kaya ang mangyayari kapag si Cruise mismo ang maging suspek?

 

Show comments