MANILA, Philippines - Pinagkalooban kamakailan ng Manila Chapter ng Philippine National Red Cross ng Certificate of Appreciation ang Tourist Trade and Travel Corporation at ang pangulo nitong business tycoon na si Antonio V. Martel, Jr. sa idinaos kamakailan na 32nd Biennial Chapter Convention nito sa Century Park Sheraton, Manila City.
Isa itong pagkilala sa kanilang paglahok at ambag sa annual golf tournament na pakikinabangan ng iba’t ibang pangmakataong gawain ng Red Cross bilang tulong sa mga nangangailangan. Hindi nakadalo sa okasyon ang mapagkawanggawang negosyante at pilantropo niyang maybahay at Belco Marketing, Inc. (BMI) chairperson na si Juliana Ticzon-Martel pero tumanggap para sa kanya ng Certificate of Recognition ang kanyang bayaw na si BMI President Salvador Clemente at maybahay nitong si Ophelia Martel-Clemente. Nagkaloob ng sertipiko sina Red Cross Chairmen James Barber at Amado Bagatsing at Administrator Crisanta Cayetano.