GMA may Holy Week special programming

MANILA, Philippines - Ngayong panahon ng Semana Santa, inihahandog ng GMA 7 ang special Lenten programming schedule para sa Huwebes Santo (Marso 28), Biyernes Santo (Marso 29), at Sabado de Gloria (Marso 30).

Para sa Huwebes Santo, mapapanood ang  Dragon Ball Z Kai simula 8:00 ng umaga kasunod ang CBN Asia ’s Superbook pagdating ng 8:30 ng umaga. 

Hatid din ng GMA Films ang romantic-comedy movie na My Kontrabida Girl na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica sa ganap na 12:00 ng tanghali. Kasunod nito ang Bayan Ko, ang kauna-unahang original series ng GMA News TV na pinangungunahan ni Rocco Nacino, pagdating ng 1:30pm.

Mapapanood naman sa ganap na 4:00 pm ang mga istoryang nagbibigay pag-asa sa buhay sa pioneering wish-granting program na Wish Ko Lang! kasama ang host na si Vicky Morales.  

Kasunod nito, 5:00pm, ang fifth installment ng Tanikala mula sa CBN Asia.

Muli namang mapapanood ang Summer Special ng nangungunang weekend program na Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan ibibida ang mga world class resort sa Luzon at Visayas, mga paboritong prutas tuwing summer, at isang kakaibang road trip sa Mindanao pagdating ng 6:30pm.

Mula 7:30pm hanggang 11:00pm, muling masasaksihan ang unang linggo ng pinakabagong primetime drama na Mundo Mo’y Akin kasama sina Sunshine Dizon, Angelika Dela Cruz, at ang nagbabalik-tambalan na sina Alden Richards at Louise Delos Reyes.

Papasok naman ng 11:00pm ang topnotch documentary program na I-Witness tampok ang special episode nitong Food Trip.

Sa Biyernes Santo, magkasunod na mapapanood ang Dragon Ball Z Kai at Superbook simula 8:00am. Kasunod nito, 9:00am, ang Pokemon Theater Presents (The Rise of Darkrai at Giratina and the Sky Warrior).

Alamin ang tradisyon ng paggugunita ng Semana Santa sa Power To Unite, isang religious program kasama ang host na si Ms. Elvira Yap-Go, simula 11:00am. Muli namang alalahanin ang huling pitong salitang binigkas ni Hesus sa Siete Palabras pagdating ng 12:00 ng tanghali.

Ang mga kapana-panabik na mga eksena ng epicserye na Indio , na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla ay muli ring  mapapanood simula 7:30pm hanggang 11:00pm.

Sa Sabado De Gloria, magkakasunod na mapapanood ang Dragon Ball Z Kai, Superbook, Pokemon Movie:Arceus and The Jewel of Life, at Doraemon Movie: The New Record of Nobita’s Spaceblazer simula 8:00am.

Back-to-back-to-back GMA Films at Regal Entertainment romantic-comedy movies ang ihahandog ng Kapuso network pagsapit ng 11:00am. Una rito ang My Valentine Girls na susundan ito ng Super Inday and the Golden Bibe ni Marian Rivera at panghuli ang pagsasama ng primetime royalities na sina Richard at Marian sa high-grossing film na My Bestfriend’s Girlfriend.

 

 

 

Show comments