Had a quite long conversation over the phone sa ina ni Kristel Tejada, ang UP Manila coed na nagpakamatay nang hindi mabayaran ang kanyang tuition fee. Hindi man dapat masaya sa naging takbo ng mga pangyayari, hindi na umiiyak ang kaibigan ko nang makausap ko sa telepono. Na-realize ni Bless Tejada na life has to go on at may mga anak pa sila ng kanyang mister na dapat asikasuhin.
Nang tanungin ko siya kung paano niya nairaos ang libing at burol ng kanyang anak, sinabi niyang sinagot lahat ni Mayor Alfredo Lim ang gastos. Ito ang unang pumunta sa kanila nang mabalita ang pagkamatay ng kanyang anak. Nangako rin ito na tutulungang maihanap ng mabuti-buting trabaho ang kanyang asawa na walamg pirmihang ikinabubuhay at nagmamaneho ng taxi paminsan-minsan.
Sinabi ni Bless na may mga bumibili ng istorya ng kanyang anak pero wala siyang kaalaam-alam tungkol dito at kaya siya tumawag sa akin ay para magtanong ng ilang mahahalagang bagay tungkol doon.
Sana lang ang pagkamatay ni Kristel ay magbigay ng puwang para sa kaunting pagbabago sa buhay ng mga Tejada para sumalangit ng matahimik ang kaluluwa ng namatay.
Ex ni Chiz hindi nakatiis!
Kahit magkahiwalay na sina Sen. Chiz Escudero at ang ina ng kanyang kambal na si Tintin Flores, hindi ito nakapigil para magsalita hinggil sa isyu na kinasasangkutan ng senador na kung saan ay nadadamay na rin ang kanilang mga anak.
Gaano mang pag-iwas ang gawin ng kanilang ama sa ginagawang pagyurak sa pagkatao nito, madadamay at madaÂdamay hindi lamang ang mgÂa anak kundi maging ang kanyang buong pamilya. Ito ang dahilan kung bakit nagpasyang lumitaw na rin ng nakahiwalayang asawa ng senador para lamang masiguro that her children will be spared from all the brouhaha at si Chiz naman ay magawang ipagtanggol ang kanyang sarili at mapangalagaan ang kanyang pangalan at pagkatao.
Pero bago ito, sinabi niyang walang katotohanan ang lumabas na balitang pinagbubuhatan siya ng kamay ng kanyang ex.
“Hangga’t maaari ay ayaw ko sanang magsalita tungkol dito pero nadaÂdamay na ang mga anak ko. May isip na sila, ayaw kong kakantiyawan sila ng mga kaklase nila. At pati mga magulang ko dahil pinalalabas na parang hindi nila ako napalaki ng maayos.
“Nasasaktan din si Heart EvangeÂlista. dito dahil mahal niya ang parents niya pero nasa edad na siya. Walang puwedeng magdikta sa kanya. May sarili na siyang pag-iisip. Dalangin ko na malagpaÂsan namin itong pinagdaraanan ng aming samahan,†sabi ng senador naman bilang pagtatanggol sa kanyang sarili.
Nora movie marathon nakalibang sa biyahe
Kahit wala ang mag-asawang Jose at Gina de Venecia sa kanilang bahay sa San Fabian, Pangasinan ay tinanggap ng buong puso at inasikaso ng kanilang staff ang grupo namin pagkagaling sa aming pakikinig ng misa sa simbahan ng Our Lady of Manaoag nung Lunes Santo. Ang grupo na binubuo ng hindi kukulangin sa 50 katao at may 20 taon nang ginagawa ang ganitong pilgrimage sa Birhen ng Manaoag ay talaga namang nabusog sa napakasarap na pananghalian na binubuo ng ensaladang manggang hilaw, binagoongang baboy, halabos na hipon, pinakbet, inihaw na bangus, buko juice, manggang hinog, at pakwan, bibingkang malagkit.
Nagulat man ang dinatnan namin sa bilis ng pagkakaubos ng pagkain na nasa mesa ay hindi na lamang sila nagsalita, bagkus ay nasiyahan pa sila dahil naubos agad-agad ang inihanda nila. Bago kami umalis ay pinabaunan pa nila kaming lahat ng pastilyas na buko at puto na pagkasarap-sarap.
Hindi naman kami nainip sa napakahabang biyahe na karaniwang inaabot lamang ng apat o limang oras pero dahil hindi kami nagmamadali at ang host na si German “Kuya Germs†Moreno kung kaya mga 14 na oras inabot papunta at pabalik ang aming biyahe na naubos sa panonood ng mga pelikula ni Nora Aunor at walang patumanggang pagbili ng kung anong maiuuwi. Nauta yata kami sa walang katapusang pagpapalabas ng pelikula ng Superstar.
Napakasaya ng aming pilgrimage. Fulfilling at memorable. Malaki na ang iginanda ng simbahan ng Manaoag at kapaligiran nito. Hindi na rin siksikan sa lugar na pinagsisindihan ng mga kandila at yung pinagbibilhan nito. Nagkaroon lang ng konting kaguluhan nang isang deboto ang nasunugan ng damit at nahirapan ito na patayin ang apoy kahit tinulungan na siya ng marami. Buti na lang hindi siya nasunog, ang damit lamang niya.