MANILA, Philippines - Manood ng pelikula tungkol sa pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo ang balak ni PanguÂlong Benigno S. Aquino III ngayong Mahal na Araw.
Say ni P-Noy sa Bahay Pangarap lang sa Presidential Security Group Compound na kanyang opisyal na tahanan siya maglalagi ngayong Semana Santa. Sinabi niya ito kahapon sa interview sa kanya nang maglibot siya sa mga bus terminals para personal na tingnan ang kalagaÂyan ng mga bakasyuÂnisÂtang lalarga sa kani-kanilang probinsiya.
“Hinahanap ko ang aking kopya ng Jesus Christ Superstar. Hindi ba hindi ito masÂyadong heavy sa paraang pagpapaalaala sa atin kung ano ang ating paÂnaÂnalig na Kristiyano at kung gaano kalaking pagpapakasakit na ginawa ni Kristo para iligtas taÂyong lahat,†wika pa ng Pangulo.
Cast ng Whattamen, magre-reunion sa jeepney tv, may bukas pa mapapanood uli
Muling pagsasama-samahin ng Jeepney TV ang mga bida ng comedy hit series na Whattamen na sina Dominic Ochoa, Marvin Agustin, Vhong Navarro, John Pratts, Aiai de Las Alas, at writer nitong si Jose Javier Reyes sa Whattamen: Reunited, ang unang proyektong ipinrodus ng cable channel.
Makalipas ang sampung taon mula nang magtapos ang programa, ibabahagi ng cast ang kanilang mga pinakamasasayang karanasan at pinakamatiÂtinding pagsubok na pinagdaanan sa harap at likod ng camera sa sitcom na inere sa loob ng halos apat na taon.
Napanood sa Whattamen ang hindi malilimutang saya at katatawanang hatid ng grupo nina Rico Yan, Marvin at Dominic na mas minahal pa ng publiko sa noontime show na Magandang Tanghali Bayan.
Sa nalalapit na death anniversary ni Rico, sasariwain din nina Marvin at Dominic ang masasayang alaÂala nila kasama ito pati na ang nakabibiglang pagpanaw nito.
Sa direksyon ng beteranong director na si John-D Lazatin, inere ang sitcom mula 2001 hanggang 2004. Tungkol ito sa kwelang barkadahan nina CasÂtro (Rico), Matti (Marvin) at Ernest (Dominic na tumira sa iisang bahay kasama ang kanilang tiyahin na si Vicky (Aiai delas Alas). Napapanood ang Whattamen sa Jeepney TV tuwing Martes, mula 7:45 p.m. hanggang 9:45 p.m.
Abangan din ang pagbabalik ng hit drama series na May Bukas Pa na pinagbibidahan ng KapamilÂya child wonder na si Zaijan Jaranilla.
Mapapanood ito sa SkyCable Channel 69 at iba pang nangungunang cable operators sa bansa. SiÂmula Abril 1, ay mapapanood na ang Jeepney TV sa Channel 9. Masusubaybayan din ang Jeepney TV sa Studio 23 tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.