Koko may sariling version ng Imagine ni Lennon

MANILA, Philippines - Determinado talaga si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na maghatid ng magandang mensahe para sa kanyang anti-cheating advocacy sa creative na paraan — pagkanta. Mapapanood na ang gina­wa ng TeamSenKoko na YouTube video ng “reimagined” version ng senador ng John Lennon classic na Imagine.

“Imagine there’s no cheating. It isn’t hard to do,” he sings. “Imagine all our leaders elected honestly… You may say I’m a dreamer, but I’m not the on­ly one,” ang kinanta ng bar topnotcher at legislator.

Paliwanag ni Sen. Koko sa pagpili ng kanta: “The message of the song and the message of my advocacy are very much related—it is an invitation to consider a better, more honest, more peaceful society.”

Nais niyang burahin ang masamang imahe ng Maguindanao na naging “Cheating Capital of the Philippines” matapos maging laganap ang dayaan doon sa nakaraang eleksiyon.

 

Show comments