^

PSN Showbiz

Binawi ang sinabi: ‘Hindi po ako aalis sa showbiz’ –John Lloyd

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa Sabado ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang It Takes a Man and a Woman nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Ito na ang pangat­lo nilang pagtatambal sa pelikula. Maipagmamalaki raw ng aktor sa lahat ng manonood ang kanilang bagong pelikula ng Pop Princess.

“Medyo confident. Medyo may eksaktong amount ng confidence because we have a good movie to offer,” bungad ni John Lloyd.

Certified blockbuster hits ang mga naunang pelikula nilang A Very Special Love at You Changed My Life na parehong tumalakay sa pagmamahalan nina Laida Magtalas at Miggy Montenegro. Nalulungkot si John Lloyd ngayon dahil wala silang premiere night para sa bago nilang pelikula.

“Nakakalungkot nga wala kaming premiere night. Nataon tayo sa Holy Week, paggalang na rin lang. Idaan na lang natin sa block screening para masaya,” nakangiting paliwanag ng binata. Nabanggit din ni John Lloyd ang dahilan kung bakit naging emosyonal siya sa aming huling panayam sa kanya sa The Buzz noong isang Linggo.

“Katatapos lang namin no’n (shooting ng pelikula). Gusto ko lang ipaliwanag, ang hirap lang kasi bumitaw because ito ang characters na nag-exist sa mundo namin, sa mundo ko, for the past several years and it’s not easy saying goodbye. So, ’yun lang naman po ’yun. Hindi po ako aalis ng showbiz. Wala pong matatapos. I just wanted to explain kung bakit ako naging emotional,” giit ng aktor.

‘Sana matapos na ito’ - Sen. Chiz

Naging kontrobersiyal ang paglabas kamakailan ng mga magulang ni Heart Evangelista sa publiko. Naglabas sina Rey at Cecile Ongpauco ng ka­nilang akusasyon laban kay Sen. Chiz Escudero na karelasyon ng kanilang anak. Sinabing hindi raw magalang ang senador at sinisira rin daw nito ang relasyon ni Heart sa mga magulang. Hinihiling din ng mag-asawang Ongpauco na maghiwalay na sina Heart at Sen. Chiz.

Aminado naman si Heart na ngayon ay mayroon silang pinagdadaanan ng ka­nilang pamilya.

“I am not really doing very well now,” bungad ni Heart.

Hindi rin daw niya mapagbibigyan ang hiling ng kanyang mga magulang na hiwalayan ang senador.

“No, it’s not gonna happen. Chiz and I are very happy. I just want to live my life the right way and do what’s right and that doesn’t mean going against your parents,” paliwanag ng aktres.

Ayon naman kay Sen. Chiz, ipaglalaban niya ang kanilang pagmamahalan ni Heart.

“Katulad ng sinabi ko, hindi para sa ‘tin na pagpasyahan ‘yan o kanino man. Pasya ni Heart lang ‘yan. Anuman ang desisyon niya sana tanggapin ng lahat,” saad ni Sen. Chiz.

“Walang may gusto nito. Lahat siguro nasasaktan, sana matapos na ito.” Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE

CECILE ONGPAUCO

CHIZ

CHIZ AND I

CHIZ ESCUDERO

HEART

HEART EVANGELISTA

HOLY WEEK

JOHN LLOYD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with