Summer Solstice pagsasama-samahin ang music lovers at party goers

MANILA, Philippines - Kung napakataas ng araw at ipinapahayag ang simula ng pinakamainit na panahon ng taon, ipinahihiwatig lang nito na dumating na ang solstice  ang pinakamahabang maghapon ng taon at simula ng pinakaaabangang summer.

Muli na namang sasapit ang panahong ito. Maraming bagong graduate sa kolehiyo ang nagpa-book na ng biyahe papunta sa Boracay. Isang ritwal sa huli nilang summer bilang estudyante bago pumasok sa totoong mundo; ang mga nagtatrabaho ay walang pagod na naghahanap ng promo flight sa paborito nilang bakasyunan, at sa mga pumipirmi sa metro, iniisip nila kung paano ang magiging summer nila.

Kaugnay ng summer, binigyan ng CloseUp ng bagong kahulugan ang Summer Solstice, isang bagong tradisyon. Sa ngalan ng musika, pagtitipun-tipunin sa isang open field ang party goers, music lovers, adventure seekers, at sino mang naghahanap ng katuwaan. Magiging isa itong 12 oras na walang tigil na party sa summer dahil bibigyan din kayo ng CloseUp ng walang tigil na maba­ngong hininga.

Noong Marso 5 sa White Space ay opisyal na ipinahayag ng toothpaste company ang Summer Solstice music festival na nagtatampok sa lokal at dayuhang artista at nagtitiyak ng hindi malilimutang karanasan ngayong tag-araw.

“Ipinagmamalaki talaga ng CloseUp ang pamanang musika nito, sa mga kantang humaplos sa puso ng maraming henerasyon, at nariyan din ang mga okasyong nakakabasag ng record tulad ng Lovapalooza.

“Sa taong ito, isinagawa ng CloseUp ang bagong adbentura. Bagay na hindi pa nagagawa noong una. Bagay na lumilikha ng bagong daan para maging mas malapit pa sa isa’t isa ang mga tao,” sabi ni CloseUp Philippines Brand Manager John Imperial.

Dumalo sa media launch sa paghahayag ng mga tampok na artista ang bagong social group ng CloseUp na binubuo nina Enrique Gil, Colleen Gar­cia, at Matteo Guidicelli ng ABS-CBN; Rocco Nacino, Enzo Pineda, at Steven Silva ng GMA 7; close friends Mike Concepcion, Ava Daza, Carla Humphries, at Nicole Andersson; bloggers Kryz Uy, Camille Co, at Laureen Uy, Vern at Verniece Enciso, David Guison, Seph Cham, at Shai Lagarde; at 89.9 Radio DJs Riki Flores, Andi Manzano, Jessica Mendoza, at Suzy Gamboa.

Abangan ang Electronic Dance Music (EDM). Tampok sa Summer Solstice si Grammy-winning DJ, Afrojack. Nasa Top 10 ng DJ Mag Top 100 DJs of 2012 si Afrojack na merong hit collaboration kina Snoop Dogg, Pitbull (Give Me Everything), Ne-Yo (Nayer), at Beyoncé (Run the World).

Gaganapin ang Summer Solstice sa Abril 27 sa Mall of Asia Open Grounds. Mabibili ang mga tiket sa lahat ng Ticketnet, Ticketworld, at SM ticket outlets.

Show comments