Ryza Cenon tumira ng shabu at nagbenta ng anak!
MANILA, Philippines - Ibang klaseng Ryza Cenon ang inyong mapapanood sa daraÂting na Mahal na Araw sa GMA 7. Patutunayan ng Starstruck survivor na hindi lang pagsayaw ang talent niya — na may ibubuga rin siya pagdating sa mabigat na aktiÂngan.
Bibida si Ryza sa Holy Week Special ng CBN Asia na Tanikala 5 sa episode na pinamagatang Liwanag sa Dapithapon. Gagampanan ni Ryza ang true-to-life story ni May Montealegre, isang babaeng adik sa shabu, naging prosti, at isang batang inang ibinenta ang sarili niyang anak.
Ayon kay Ryza, first time niya na gaganap sa ganito kabigat na role at aminado ang aktres na nahirapan siya.
“Sobrang challenging ng role ko kasi wala akong bisyo. So, hindi ko alam ’yung pakiramdam kung ano ang epekto ng shabu at ng yosi. ’Di ko rin alam kung ano ang feeling ng magka-boyfriend na adik din at kung ano ang nangyayari sa loob ng isang bar. So, mahirap,†pahayag ng aktres sa karakter ni May.
Nang tanungin kung saan niya hinugot ang emosyon, sinabi ni Ryza na iniisip na lang niya ang kanyang mga alagang aso at ang mga malulungkot na pangyayari sa buhay niya.
“Kahit mag-imbento ako ng eÂÂmosÂyon, iba pa rin ’yung talagang na-experience mo siya,†pag-amin ni Ryza.
Abangan ang natatanging pagganap ni Ryza Cenon sa isang maÂÂkabagbag-damdaming kuwento ng pagbabago sa Tanikala 5: Liwanag sa Dapithapon. Mapapanood sa March 28, Huwebes Santo, 5:00-6:30 p.m., sa GMA 7.
Ang Liwanag sa Dapithapon ay mula sa paÂnuÂlat ni Gin Sardea at sa direksiyon ni Derrek Adapon. Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang aming Facebook fanpage, www.facebook.com/tanikalatv.
- Latest