Kamakailan ay nagkita sina AiAi delas Alas at James Yap sa set ng pelikulang Kung Fu Divas na ginagawa ng aktres. Nagpunta ang basketbolista sa set ni AiAi dahil kaaÂrawan ng isa nitong kaibigan na nasa shooting noon. Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang dalawa ilang taon na ang nakararaan dahil sa pagkokomento ng Comedy Concert Queen noong kasagsagan ng away nina James at dating asawang si Kris Aquino.
“Dumalaw siya kasi birthday ng assistant ni Dondon Monteverde. Noong nagkakagulo silang ganyan, sabi ko, ‘Sino yun?’ ‘Si James Yap.’ ‘James Yap na totoong James Yap?’ Parang hindi ako makapaniwala na nandiyan siya sa set.
“Sabi niya, ‘My friend!’ Ako naman, ‘My friend you’re here!’ ’Tapos picture-taking kami ni lolo. Best friend ko siya. Eh ’di ba sabi nga niya BFF niya ako sa Instagram?†nakangiting kuwento ni AiAi. Ayon sa komedÂyante ay matagal na nilang naayos ni James ang gusot sa pagitan nila.
“Oo, nagkaka-text-an kami. Parang, ‘Uy! May game pala kayo ngaÂyon, puwede manood?’ ‘O sige friend, ilang ticket?’ Mga ganung tsika kasi noong minsan nag-usap sila ni Kris sa phone noong nagsu-shoot kami, sabi niya, ‘O eto si friendship.’ Ipinasa sa akin. Sabi ko, ‘Sino ba ito? My friend, bakit mo ako inaaway? Bati na tayo.’ Tapos tawa nang tawa. Doon na nag-start,†dagdag pa ng aktres.
Aminado rin si AiAi na talagang hinahangaan niya si James pagdating sa paglalaro ng basketball.
Neil nakakita ng kuya kay Coco
Masayang-masaya si Neil Coleta dahil nakasama siya sa teleseryeng Juan dela Cruz. Malaking oportunidad daw para sa kanya ang mapasama sa nasabing serye at marami rin siyang mga bagay na natututunan mula sa bida nitong si Coco Martin.
“’Yung mga payo sa akin ni Kuya Coco tungkol sa trabaho ko dahil dun mas gusto kong ibigay pa lalo. Hindi lang siya okay sa trabaho, the best din siyang kaibigan,†bungad ni Neil.
Para na rin daw kapatid ang turing ni Coco kay Neil dahil lagi siyang tinutulungan ng aktor sa mga eksena nilang dalawa.
“Para ko na siyang kuya. Sa taping lagi niyang sinasabi at pinapaalala sa amin ‘yung character namin, kung paano ‘yung pag-atake namin sa eksena. Siya ‘yung nagbabato sa akin ng comedy, halos lahat ng eksena doon adlib na lang minsan eh,†natatawang kuwento ni Neil.
“Nagiging natural, ‘yung tawa namin doon natural na kasi para sa amin, komportable na kami makatrabaho ang isa’t isa.â€
Samantala, kamakailan ay napanalunan ni Neil ang New Movie Actor award mula sa Star Awards for Movies na ipinagkaloob ng Philippine Movie Press Club kaya palagi na siyang niloloko sa set ni Coco.
“Nahihiya ako na natatawa rin kasi lagi niyang sinasabi na, ‘Oh, kailangan nating i-close up si ‘Bes’ kasi ‘Bes’ ang tawagan namin ni Coco,†pagtatapos ni Neil. Reports from JAMES C. CANTOS