MANILA, Philippines - Kayo ba’y eksperto sa pamimili ng fashion accessories, gamit sa bahay, pagkain, o mga panregalo? Alam n’yo ba na maraming mga artistang sobrang busy sa kanilang showbiz commitments ang gumagamit na rin ngayon ng tinatawag na “personal shopper�
Hangad ng Manila Broadcasting Company na iangat ang antas ng “personal shopping†bilang uri ng sining sa muling pagkakaroon ng Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar sa ika-11 hanggang ika-13 ng Abril sa Sotto Street ng CCP Complex sa Pasay.
Inaanyayahang magtayo ng booth ang mga nagtitinda ng iba’t ibang produkÂtong galing sa mga lalawigan – maging handicraft, pananamit, fashion accessoÂry, katutubong habi, mga prutas at kakanin, o kahit gamit sa bahay. Ang mga koÂoperatiba, tribal showroom, at mga NGO na kasali sa kampanyang “One Town, One Product†ng Department of Trade and Industry ay partikular na inaasahang lalahok.
Ang mga interesado sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaring makiÂpag-ugnayan kay Teray Rivas sa telepono bilang 216.6022.