^

PSN Showbiz

Personal shoppers ng mga artista, target ng Aliwan Fiesta

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kayo ba’y eksperto sa pamimili ng fashion accessories, gamit sa bahay,  pagkain, o mga panregalo?  Alam n’yo ba na maraming mga artistang sobrang busy sa kanilang showbiz commitments ang gumagamit na rin ngayon ng tinatawag na “personal shopper”?

Hangad ng Manila Broadcasting Company na iangat ang antas ng “personal shopping” bilang uri ng sining sa muling pagkakaroon ng Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar sa ika-11 hanggang ika-13 ng Abril sa Sotto Street ng CCP Complex sa Pasay.

Inaanyayahang magtayo ng booth ang mga nagtitinda ng iba’t ibang produk­tong galing sa mga lalawigan – maging handicraft, pananamit, fashion accesso­ry, katutubong habi, mga prutas at kakanin, o kahit gamit sa bahay.  Ang mga ko­operatiba, tribal showroom, at mga NGO na kasali sa kampanyang “One Town, One Product” ng Department of Trade and Industry ay partikular na inaasahang lalahok.

Ang mga interesado sa  Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaring maki­pag-ugnayan kay  Teray Rivas sa telepono bilang 216.6022.

 

ABRIL

ALIWAN FIESTA SHOPPERS BAZAAR

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

MANILA BROADCASTING COMPANY

ONE PRODUCT

ONE TOWN

SOTTO STREET

TERAY RIVAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with