PIK: So far, confirmed pa rin na sisipot si Heart Evangelista sa H.O.T. TV ngayong hapon para magsalita at ipagtanggol ang kanyang sarili sa isyung kinasasangkutan ngayon.
Kung walang kokontra, magsasalita na ito para linawin na ang gulo sa kanyang magulang at ang kalagayan ng relasyon nila ngayon ni Sen. Chiz Escudero.
Abangan ang mga pahayag ni Heart sa H.O.T TV pagkatapos ng Teen Gen.
PAK: Kapansin-pansin ang laki nang iginanda ng katawan ni Raymart Santiago nang sandaling nakatsikahan namin ito sa pictorial ng bagong programa niya sa GMA 7 na Home Sweet Home.
“Siyempre, kuwarenta na ako. Dapat ma-maintain pa rin ’to,†sabi ng aktor, sabay pakita ng abs niya at siksik na siksik na muscle.
Iniiwasan na ni Raymart ang mga intriga sa kanila ni Claudine Baretto dahil maayos naman sila at nililinaw nitong home sweet home ang kanilang mag-asawa.
BOOM: Tikom na ang bibig ng mga abogado nina Kris Aquino at James Yap dahil sa gag order na inilabas ng korte pagkatapos ibasura ang Hold Departure Order na inihain ng basketbolista.
Pero may nagparating sa amin na nag-withdraw si James sa HDO na kanyang isinampa.
Sa halip ay inutusan ng korte si Kris na dapat ay i-report sa korte ang date ng itinerary at arrival ng biyahe nito kasama si Bimby. May order din sa kampo ni Kris na kailangang mag-report ito sa korte within 24 hours pagdating galing sa kanilang bakasyon sa Europe.