Ikinagulat ng lahat ang balitang pagpapa-blotter ni John Prats kay Jason Francisco noong Huwebes ng gabi sa San Juan Police Station. Nanonood lamang daw ang aktor ng rehearsal sa taping nila ng Banana Split nang bigla na lamang siyang suntukin ni Jason. Aminado naman si Jason na talagang nasaktan niya si John noon. Ikinagalit daw niya ang madalas na panunukso ni John kay Melai Cantiveros na dati niyang kasintahan at ngayon ay muli niyang nililigawan.
“Nagawa ko talaga ’yon sa kanya, parang napikon ako sa kanya, kasi parang mayroon na kami dati na something na parang napipikon na ako. So, parang ngayon lang dumating ’yung punto na parang nag-burst out sa damdamin ko,†seryosong pahayag ni Jason. “Parang ang bilis ng pangyayari na nagawa ko sa kanya ’yun kasi minsan ’yung tuksuhan, natutukso si Melisa (tawag ni Jason kay Melai) so parang ako man ay nasasaktan para sa kanya. Hindi niya alam ’yon.â€
Agad namang humingi ng tawad si Jason kay John pagkatapos ng mga pangyayari. “Kung ano ‘yung consequence na i-ano sa akin ni Kuya John, alam ko naman na mabait ka talaga. Alam ko na sobrang mahal mo si Melisa kaya sana mapatawad mo ako. Siyempre, lalaki ako at alam mo ’yung feeling ba na pagka-alam mo na too much na ’yung tao, ’yung ano (pagbibiro) mo kay Melisa. So, sana maintindihan mo bilang lalaki ba na nagmamahal. Humihingi ako ng paumanhin sa iyo, na sana ay patawarin mo ako sa nagawa ko,†pakiusap ni Jason.
Robi belong na sa pamilya ng volleyball player na si Gretchen Ho
Exclusively dating na ngayon sina Robi Domingo at ang Volleyball player na si Gretchen Ho. Noong isang taon sa programang Kris TV ay inamin ni Robi na hinahangaan niya talaga ang dalaga at ngayon nga ay nagkakamabutihan na ang dalawa kahit hindi pa sila opisyal na magkarelasyon.
“Ito na lang ang puwedeng sabihin, I can talk about her all day long without wiping the smile on my face,†nakangiting bungad ni Robi.
Mula sa prominenteng Chinese family si Gretchen at si Robi naman ay purong Filipino. Nagkaroon kaya ng hadlang ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa?
“’Yun nga ang surprising eh kasi kapag sinabi mong Chinese, there is this Great Wall of China na dapat either Chinese ka or magpaturok ka ng dugong Chinese, pero this time parang pinatunayan ng family niya na they are very open and we are on their side,†paliwanag ng binata.
“Actually, this time around, I feel that I belong to their family. I hang out with her brothers. I get to talk with her dad. I get to talk with her mom even the helpers na parang if I go to their house, I belong,†kuwento pa niya.
Nakakasama na rin ng pamilya ni Robi si GretÂchen ngayon.
“On some occasions pero she is really that conservative girl who wouldn’t go to my house to hang around with my family because it’s not yet there. It’s not yet official,†giit ni Robi.
Kahit na abala sa kanilang mga schedule ay sinisiguro ni Robi na makapaglaan siya ng panahon para kay Gretchen. Reports from JAMES C. CANTOS