^

PSN Showbiz

Dating singer na nagbayad sa mga naging kasalanan, ilalahad ang buhay!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Marami na ang hindi nakakakilala kay Susan Fuentes, ngunit sa tuwing dumarating ang Pasko ay lagi pa ring pinatutugtog ang kaniyang hit song na Miss Kita Kung Christmas.

Sa papalapit na Pasko ng Pagkabuhay, isasadula ng Magpakailanman ang buhay ni Susan Fuentes, ang pagkadiskaril ng kaniyang kapalaran sa kanyang pagkapit sa kasalanan, at kung paano nawala ang pinakaimportanteng bagay sa buhay niya—ang kaniyang mga anak.

Ngayong Sabado, samahan natin si Mel Tiangco sa kaniyang pakikipag-kuwentuhan kina Susan Fuentes at Dulce, para alamin kung paano muling nakabangon ang dating tinaguriang Queen of Visayan Songs. 

Itinatampok sa Usahay, Ang Huling Awit ng Puso: The Susan Fuentes Story si Glaiza de Castro bilang si Susan Fuentes, kasama si Aicelle Santos bilang si Dulce, sa pananaliksik ni Jonathan Cruz, sa panulat ni Senedy H. Que, at sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Kilala mo ba kung sino ang Queen of Visayan Songs? 

Noong 1970s, isang probinsiyanang may ginintuang boses ang nakipagsapalaran sa Maynila para makamit ang pangarap na maging isang sikat na singer. At ilang taon rin niyang nakamit ang kasikatang inaasam, sa pagbigay buhay sa ilang mga awiting matunog pa rin hanggang ngayon: ang Miss Kita Kung Christmas, Matudnila, at Usahay.”

Nang kaniyang maabot ang rurok ng kaniyang karera, may nangyaring hindi inaasahan si Susan: nahulog ang loob niya sa isang lalakeng may asawa na. Hindi nadidiktahan ang puso; tinalikuran ni Susan ang kaniyang pangarap at tinanggap ang isang makasalanang buhay alang-alang sa lalaking minamahal. Hindi man ideal ang buhay na nakuha, kasama naman niya ang mahal niya—at nagkaroon pa siya ng dalawang anak na nagbibigay ligaya sa kaniya.

Ngunit walang kasalanang hindi napananagutan. At ito ang natutunan ni Susan nang magdesisyon ang kinakasama na ayusin ang kaniyang buhay. Iniwan nito si Susan, at kinuha ang kanilang mga anak. Naiwan si Susan na walang kabuhayan, na walang malapitan—nag-iisa sa isang siyudad na hindi maru­nong magpatawad.

Hanggang sa muli siyang matagpuan ng isang dating tagahanga—isa sa mga respetadong singer ngayon, si Dulce. 

Paano babaliktarin ni Dulce ang masalimuot na kapalarang tinanggap ni Susan Fuentes?

AICELLE SANTOS

ANG HULING AWIT

DOMINIC ZAPATA

JONATHAN CRUZ

KANIYANG

MEL TIANGCO

MISS KITA KUNG CHRISTMAS

QUEEN OF VISAYAN SONGS

SUSAN

SUSAN FUENTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with