^

PSN Showbiz

Aga pahinga na sa Pinoy Explorer, tututok na sa kampanya!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Doble-saya ang naghihintay sa mga Kapatid viewers ngayong weekend, lalo na’t ibang level ng excitement ang hatid ng Pinoy Explorer and Kanta Pilipinas sa TV5. Panibagong adventure ang tutumbukin ni Aga Muhlach sa Pinoy Explorer sa Sabado pagpatak ng 7:00PM, samantalang malalaman na kung sino ang magwawagi sa unang reality singing competition ng bansa—ang Kanta Pilipinas—sa Linggo, 9:00PM.

Ma­papanood sa Sabado ang huling Pinoy Explorer episode ni Aga bago ito magsi­mulang mangampanya para sa nalalapit na eleksiyon. Pupunta siya sa Sarangani at General Santos City, kung saan ma­susubukan niyang mang­huli ng flying fish. Mismong si Aga ang susubok sa paglipad dahil mag­pa-paraglide rin siya. Ka­sama ng Pinoy Explorer host ang close friend nitong si Bayani Agbayani sa pag­da­law sa GenSan gym kung saan nagte-train ang Pam­bansang Ka­ma­o na si Manny Pac­quiao. Ma­kasuntok din kaya sila tulad ng People’s Champ?
Dob­le-entertainment naman ang dala ng Kanta Pilipinas ngayong weekend. Pagda­ting ng 9:00PM ng Sabado, malalaman na kung sino sa mga natitirang walong finalists ang maglalaban-laban sa grand finals na mapapanood naman sa Linggo ng gabi sa parehong oras.

Sino kaya kina Nicole & Carlo, Pia, Timmy, Thara, Ricky, Ferns, Chadleen at Jeniffer ang mag-uuwi ng grand prize na PhP 1M at recording con­tract? Samahan ang host na si Rico Blanco, pati na ang mga judges na sina Maestro Ryan Ca­yabyab at Asia’s Nightingale Lani Misalucha sa finals ng Kanta Pilipinas sa Sabado at Linggo.

 

AGA MUHLACH

BAYANI AGBAYANI

GENERAL SANTOS CITY

KANTA PILIPINAS

LINGGO

MAESTRO RYAN CA

PINOY EXPLORER

SABADO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with