Hinihintay din ng marami na pabulaanan ni Kris Aquino ang sinasabi ng kanyang ex husband na si James Yap na tinatakot niya ito at ipinanangga ang pagkakaroon niya ng kapatid na pangulo ng bansa.
Bagaman at marami ang hindi natutuwa sa presidential sister dahil sa inaakala nilang pagbibigay niya ng karapatan sa kanyang bunsong anak na diktahan ang kanyang buhay, marami ang natutuwa sa paghahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang dalawang anak bilang isang single parent. Sila ay umaasa at naniniwalang nagsisinungaling si James sa kanyang mga pahayag o ‘di kaya ay hindi lamang sila nagkaintindihan ni Kris. Pero kung sakali man na totoong binantaan ito ni Kris, hiling nila ay hindi na ito maulit at dumating sa pagkakaayos ang dalawa, maski na para lamang sa kapakanan ni Bimby.
Heart hindi ‘nakatulong’ kay Chiz
Sa halip na matulungan si Sen. Chiz Escudero sa pagkakaroon ng girlfriend na artista, kabaliktaran ang nangyayari dahilan sa mga pinagsasabi ng mga magulang ni Heart Evangelista tungkol sa kanya.
Kahapon ay sumagot na si Sen. Chiz sa mga ibinabatong akusasyon ng mga magulang ng kanyang girlfriend at sana ay matapos na ito.
Buhay ni Sec. Robredo ikukuwento sa MMK
Kuwento ng isang huwarang lider at mapagmahal na haligi ng tahanan ang ibabahagi ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Marso 23). Tampok ang life story ng yumaong Department of Interior and Local Government (DILG) secretary na si Jesse Robredo. Gaganap ng kanyang role ang award-winning actor na si Jericho Rosales at si Kaye Abad ang gaganap ng role ng misis ni Robredo na si Leni. Paano hinubog ng kanyang pamilya at ng kanyang mga karanasan ang uri ng pamumuhay at pamamahala ni Sec. Robredo?
Gaano kalaking bahagi ng kanyang tagumpay ang kanyang maybahay at mga anak? Bukod kina Jericho at Kaye, bahagi rin ng Jesse Robredo Story sa MMK sina Yogo Singh, Spanky Manikan, AlyaÂnna Angeles, Nikki Bagaporo, Xyriel Manabat, Trina Legaspi, atbp., sa direksiyon ni Raz de la Torre.