Ingat mga beki machong parlorista uso na!

MANILA, Philippines - Marami ang nagsasabi na ang mga lalaki’y mas mahuhusay na kusinero o chef kaysa mga ba­­bae. Sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh nga­yong Sabado’y mapapatunayang ’di lang kusina kun­di pati mga parlor ay inokupahan na ng mga tunay na lalaki o macho.

Ipapasyal tayo ng show sa mga salon na ’di nahihiyang ang mga macho na mag-apply ng makeup at mag-ayos ng buhok ng mga kliyente. Kaya ang mga beki o bading na hairdresser, ingat lang at baka isang araw ay magising silang wala nang trabaho!

Buwan ng mga Kababaihan ang Marso kaya may ipakikilala si Mader Ricky Reyes na isang che­mist-scientist na Cebuanang si Gigi Sanchez na nakatuklas ng Lactobiotics at Antika food drinks na ’di lang sikat sa bansa kundi maging sa abroad.

Para lagi well informed sa mga bagay na pam­pa­ganda, pampabata, at pangkalusugan, magtiwa­la kay Mader at tutukan ang kanyang programa sa GMA News TV 9 hanggang 10 a.m. tuwing Sabado.

Show comments