Concert nina Alexis Navarro, Go Girls, at 6-Part Invention bumida sa Seasports Festival

MANILA, Philippines - Ang  dating FHM Girlsfriend for the Month at ngayo’y Viva artist na si Alexis Navarro, kasama ng Go Girls at ang bandang 6-Part Invention  ay nagtanghal sa awarding ng Manila Bay Sea­sports Festival,  na gina­nap noong Marso 17, sa harap ng Rajah Sulayman Park sa Baywalk.

Handog ng Manila Broad­­casting Company at ng Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Summer Seasports Festival ay nagsagawa ng mga labanan sa Dragon Boat Racing at stock/formula races ng mga bangkang de-motor.

Ilan sa mga naging koponang kalahok sa Dragon Boat Mixed-Open championships ay ang One Piece Dra­kon Sangress, Rogue Pilipinas, Triton Dragon Racing Teams, Amateur Paddlers Philippines, Mahalrika Drakon, Blue Phoenix, Onslaught Racing Dragons, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Manila Ocean Park, Dragons Republik Philippines, Adamson Draconis Falco, RCP Sea Dragon, Cebu Dra­gons, Lake Buhi, at Buhi-Camsur Team.

Lumahok din ang batikang mga bangkero mula Pangasinan, Cavite, Quezon, Ba­tangas, La Union, Negros Occidental, Navotas, Ca­gayan Valley, Surigao del Sur, Laoag, Misamis Oriental, Binangonan, at Iloilo.

Show comments