MANILA, Philippines - Aminado si John Lloyd Cruz na mas naging comfortable na sila ngayon ni Sarah Geronimo. Mas nakapag-usap na rin sila kaya naman denepensahan niya ito sa mga ilang ‘tumitira.’
“Parte na talaga ng trabaho natin na madali tayong husgahan. Si Sarah kasi masyado siyang totoong tao, she’s very candid. Kung ano ang gusto niyang mabitawang salita, maaaring hindi napag-isipan kaagad. Give her a break. Babae siya eh, nasasaktan,†depensa ng actor na emosyonal nang humarap sila sa presscon ng It Takes a Man and a Woman noong Linggo ng hapon.
“Minsan nadudulas siya na may nasasabing hindi maganda. Ganun talaga. Kailangan mong palagpasin, lahat naman tayo dumadaan diyan. Wala namang perfect na tao. Ang pinakamaganda diyan is how you rise above it. Kaya niyang mag-apologize, kaya niyang tanggapin kung mali ang nagawa niya and then move on and be a better person,†dagdag ng actor tungkol sa kanyang kapareha.
Actually, dati nang nabalita nagkaroon ng ligawan sa kanila, nung time na ginagawa nila ang first movie nila together na A Very Special Love pero balitang naudlot nang biglang niligawan ni John Lloyd si Shaina Magdayao noon.
Pero walang umamin sa kanilang dalawa.
Anyway, wala nang urungan sa March 30 (Sabado) ang big screen reunion ng box-office royalties (Sarah at John Lloyd Cruz) sa third installment ng hit romantic-comedy movie series nila.
Sa ilalim ng direksiyon ni Cathy Garcia-Molina, na siya ring nagdirek ng unang dalawang pelikula ng franchise, tampok sa It Takes A Man And A Woman ang muling pagkukrus ng landas nina Laida Magtalas (Sarah) at Miggy Montenegro (John Lloyd), apat na taon matapos nilang tapusin ang kanilang relasyon.
Mula sa ‘a very special love’ na kapwa nagdulot ng big ‘change’ sa buhay nila, mistulang mababago ang lahat para kina Laida at Miggy dahil sa muli nilang pagkikita sa kumpanya kung saan umusbong ang kanilang pag-iibigan ay hindi na sila tulad ng dati - ang simple at masunurin na executive assistant noon ay isang agresibo at career-oriented na Laida na ngayon, samantalang ang pilyong bachelor noon ay ang Miggy na nasa isang bagong yugto ng kanyang buhay.
Ayon sa actor-director na si Rowell Santiago, na isa sa well-loved characters ng A Very Special Love at You Changed My Life kung saan gumanap siya bilang kuya ni Miggy na si Art Montenegro, hindi lang ang buong sambaÂyanan ang excited sa pagpapalabas ng It Takes A Man And A Woman kundi maging ang buong cast ng kanilang pelikula.
“Hindi namin talaga inasahan na manganganak at manganganak ‘yung kuwento. At ngayon, after four years since ipinalabas ‘yung part 2, siguradong mas nananabik ang lahat sa kung anong pupuntahan ng buhay pag-ibig nina Laida at Miiggy. Kaya kahit kami, nae-excite na. Aminado si Rowell na matindi ang paghanga niya sa lakas ng hatak sa moviegoers ng love story nina Laida at Miggy. “Ang nakakatuwa, hindi naman love team sila Sarah at John Lloyd at hindi rin naman sila real sweethearts, pero kinapitan sila ng tao dahil nagustuhan at naka-relate sila sa characters nina Laida at Miggy at kung saan patutungo ang love story nila. Hindi na nila nakita sina John Lloyd at Sarah,†paliwanag ni Rowell.
Sa muling pagsasama nina Laida at Miggy sa trabaho, muli rin kayang magbalik ang tindi ng pag-ibig nila para sa isa’t isa? Ano nga bang naging ugat ng paghihiwalay ng mag-bebe na inakala nang lahat ay patungo na sa happy ever after?
Bukod kina Sarah, John Lloyd at Rowell, bahagi rin ng pelikula sina Joross Gamboa, Gio Alvarez, Matet De Leon, Al Tantay, Irma Adlawan, Guji Lorenzana, at Dante Rivero. Introducing sa pelikula ang model-host na si Isabelle Daza na gaganap bilang si Belle, ang bagong girlfriend ni Miggy.