Aktres na sexy at payat na payat gumagamit pa ng girdle para mas pumayat ang hitsura
MANILA, Philippines - Kahit pala sexy at payat na ang isang aktres at TV host na misis ng kilalang actor, gumagamit pa rin ito ng girdle na nagpapa-sexy ng kanyang hitsura.
Actually parang nakakagulat dahil ang ganda ng katawan nito pero mismong ang isang nagbebenta ng nasabing girdle ang nagkuwento ng tungkol sa ginagamit ng actress-TV host.
Well, baka gusto lang talaga niyang magmukhang super, super payat at flat na flat ang tummy kaya nag-susuot siya nang nasabing girdle na ginagamit ngaÂyon ng maraming artista at maging ng mga pulitiko na gustong maging payat ang hitsura.
Bagong show ni Sharon, kasado na
Memorized ng executive ng isang network ang mga ‘nangyayari’ sa career ni Megastar Sharon Cuneta. Pero definitely hindi taga-TV5 ang nagkukuwento tungkol sa naging problema ni Mega sa Kapatid Network na ngayon ay naayos na at malapit nang mag-umpisa si Mega ng kanyang panibagong programa kapalit nang nawala niyang afternoon talk show.
Handang-handa na si Mega at ayaw na nitong mag-isip ng mga negatibong pangyayari.
Nami-miss na si Sharon ng kanyang fans bilang matagal-tagal na rin siyang nawala sa ere.
Kahit konting pagtingin mapapanood na sa mas maagang oras!
Ay, hindi naman pala tuluyang natigok ang Kahit Konting Pagtingin dahil simula ngayong Lunes (Marso 18), 5:30 p.m. na ang bagong timeslot nito na pinagbibidahan nina Angeline Quinto, Paulo Avelino, at Sam Milby. Ipinalit sa timeslot nila ang Little Champ na pinagbibidahan ni Sen. Lito Lapid.
Sa mas pinaagang oras, patuloy na tutukan ang mas nakaaaliw at nakakaÂkilig na love triangle nina Aurora (Angeline), Lance (Paulo), at Adam (Sam), lalo na ngayong mas tumitindi na ang kompetisyon sa pagitan ng magkapatid.
Handa na ba si Lance na kalabanin ang kanyang kuya, masungkit lamang ang puso ng babaeng pinakamamahal niya?
Sa pagdating ni Mabel (Bianca Manalo) sa Pilipinas, paano nga ba babaguhin ng tunay na fiancé ni Erik (Ahron Villena) ang mga buhay nina Lance, Adam, Aurora, at ng mga taong malalapit sa kanila?
- Latest