‘Na-Photoshop ako’ – Erap; Korean actress sa show ni Vic, walang acting
SEEN: Masipag magtrabaho si Wally Bayola dahil nagpapagawa siya ng bahay.
SCENE: Marami ang na-late sa panonood ng Foursome repeat sa The Arena, Pasay City noong Sabado dahil sa masikip na daloy ng trapiko.
SEEN: Kapwa aktor at kasama niya sa Never Say Goodbye ng TV5 ang tinutukoy ni Gardo Verzosa na bad example sa mga baguhang artista dahil bigla na lamang umaalis sa set at late kung dumating sa kanilang taping.
SCENE: Walang acting ang Korean starlet na si JinRi Park na binigyan ng big break sa Vampire ang Daddy Ko. Sinasayang ni JinRi ang kanyang exposure sa sitcom ni Vic Sotto.
SEEN: Big fan si Zanjoe Marudo ng Eat Bulaga. Pangarap niya na makita nang personal ang cast ng Eat Bulaga.
SCENE: Ang Cassandra: Warrior Angel ang ipapalit ng TV5 sa Kidlat. Si Eula Caballero ang gaganap na angel warrior sa Cassandra.
SEEN: Ang paliwanag ni dating Pangulong JoÂseph Estrada sa insidente na ibinibintang sa kanÂya at nangyari sa debate nila ni Mayor Alfredo Lim noong nakaraang linggo: “Paglilinaw lang po: May inilathala pong ulat ngayon na ako raw po ay nagpaÂkita ng isang ‘di magandang ‘gesture’ sa isang babae matapos ang aming debate ng aking katunggali. Nais kong igiit na walang nangyaÂring ganito. ‘Yan ang hinding-hindi ko magagawa sa kahit na sinong babae. Sa mga nakakita ng sinasabing larawan, napakalinaw naman po na ito’y dinuktor lamang, na sa salita ng kabataan ngayon ay ‘na-Photoshop.’ Ganyan po talaga ang pulitika, ’pag naglabas ka ng totoo lalabanan ng kasinungalingan. Matapos kong ilabas ang liham ng katotohanan dito sa Facebook, bigla namang naiulat itong larawan na ito. Ipagpasa-Diyos na lang po natin ang lahat.â€
SCENE: Magsisimula ngayong gabi sa GMA 7 ang Mundo Mo’y Akin, ang comeback teleserye ni Sunshine Dizon na nagbigay noon ng mga problema sa ibang shows ng Kapuso Network. Inaasahan na nagbago na si Sunshine dahil nanay na siya.
- Latest