Imbiyerna ang mga reporter sa filmmaker na maÂgaling lang kapag may kailangan pero hindi maruÂnong bumati at parang walang kakilala everytime na nagkikita sila sa mga showbiz event.
Hindi na uubra sa mga reporter ang drama ng uÂser-friendly na filmmaker. Markado na siya dahil walang balak ang mga reporter na sagutin ang kanyang mga future text message kapag nangailangan uli siya ng tulong.
Thy Womb ni Direk Brillante highly recommended ni Sen. Loren
Walang balak na pumasok sa showbiz ang second son ni Senator Loren Legarda na si Leandro.
Maging lawyer ang pangarap ng bagets na kaÂsama ni Mama Loren sa special screening ng Thy Womb sa Podium noong Biyernes. Hindi camera shy si Leandro dahil nakipagkuwentuhan siya sa entertainment press at nagpainterbyu sa mga TV reporter.
Nineteen years old na si Leandro pero madalas na napagkakamalan na 16 years old dahil bagets na bagets ang kanyang hitsura. Hindi na niya ginagamit ang palayaw na Lean dahil pambabae ang tunog nito.
Nag-aral si Leandro sa International School kaya Inglisero siya. Siya ang representative ni Mama Loren sa mga kampanya na hindi nito napupuntahan. Aliw na aliw ang mga tao na nakakasalamuha ni Leandro kapag naririnig nila ang kanyang baluktot na pagsasalita ng Tagalog.
Tulad ng nanay niya, mahilig manood si Leandro ng pelikula. Ang Thy Womb ang pinanood ng mag-ina sa 2012 Metro Manila Film Festival. Dumayo sa SM Megamall Cinema sina Mama Loren at Leandro dahil hindi na palabas sa mga sinehan sa Makati City ang pelikula ng direktor na si Brillante Mendoza.
Masuwerte si Brillante dahil highly recommended ni Mama Loren na panoorin ng mga Pinoy ang Thy Womb, kahit ipinalabas na ito noon sa mga sinehan.
Alden, walang yabang
Possible nominee si Alden Richards sa Darling of the Press special category ng isang award-giving body dahil maganda ang kanyang PR skills.
Bilib ang press people kay Alden dahil magalang ito, walang yabang sa katawan, marunong umarte, at mahusay makitungo sa lahat.
Kaya hindi nakapagtataka na good karma siya. Dumarami ang bilang ng fans niya at magaganda ang project na ipinagkakatiwala sa kanya ng GMA 7.
Si Alden ang lead actor sa Mundo Mo’y Akin. Ka-partner niya uli ang crying lady na si Louise delos Reyes na talagang ipinagluluksa ang breakup nila ni Enzo Pineda. Ngayong loveless si Louise, matupad na kaya ang pangarap ng fans nina Alden at Louise na magkaroon ng real-life love affair ang kanilang mga idolo?