Alden gustong maging bakla at makipaghalikan sa kapwa lalaki!

Nanghihinayang si Alden Richards dahil wala na ang kanyang ina na pag-aalayan niya ng tagumpay sa buhay bilang isang artista. Namatay ito sa pneumonia na hindi man lang naabutan ang kasikatan ng anak ngayon.

Naaalala ng aktor ang hirap nila noong wala pa siya sa showbiz kung saan hindi siya nakakasama sa field trip dahil walang pambayad dito.

Ngayon ay nakaipon na agad ito at nagpapatayo ng 8-door apartment sa Sta Rosa, Laguna. Pangarap din nitong makabili ng sportscar.

Gusto niyang makasama sa pelikula si John Lloyd Cruz at makaganap sa gay role kesehodang may halikan pa ito basta matindi ang proyekto. Kasama si Alden sa Mundo Mo’y Akin at leading lady uli si Louise delos Reyes.

Sunshine seryoso sa pagiging nanay

Sa presscon ng Mundo Mo’y Akin ay nakausap namin si Sunshine Dizon na Perlita sa teleserye na madalas kutyain ng mga tao dahil sa kanyang anyo. May offer pala siya sa TV5 pero nag-decide na manatili sa GMA 7 dahil hindi matanggihan ang offer na teleserye. Bago ito ay lumabas muna si Shine sa Magpakailanman.

‘‘Masarap maging nanay laluna sa pag-aalaga at pag-asikaso sa aking asawa at mga anak. Ang aking asawa ay nagsisilbing kaibigan, barkada, confidante sa akin. Very supportive rin ang aking mga in-laws.’’

Show comments